top of page
Screenshot_2024-09-08_193102-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220233-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220244-removebg-preview.png
  • Facebook
  • X
  • Instagram

FAITH AND RELIGION

Christian sect members sentensyado sa pagkamatay ng 8 anyos diabetic na pinagkaitan ng insulin

Photo from ABC News (AU)

2/27/25, 11:43 AM

BRISBANE, Australia - Pinatawan ng 14 taon pagkakulong ang mga magulang na kasapi ng isang sektang Kristiyano dahil sa pagkakait nila ng insulin sa kanilang walong taon gulang na anak sa paniniwalang ililigtas siya ng Diyos.

Namatay si Elizabeth Struhs noong Enero, 2022 sa sahig ng kanilang tahanan sa Toowoomba, Brisbane ilang araw matapos na magdeklara ang kanyang amang si Jason Struhs, 53 na hindi na siya dapat turukan ng insulin at iba pang mga gamot para sa kanyang Type 1 diabetes.

Si Kerrie Struhs, 49-anyos na ina ng biktima, ang siyang nag-udyok umano sa asawa na huwag nang pagamitin ng insulin si Elizabeth.

Kasama rin sa mga pinagsakdal ang 12 miyembro ng Bible-based sect na “The Saints” na kasama sa naghikayat sa mga Struhs na maniwala sa kapangyarihan ng Diyos na magliligtas sa bata kahit hindi na ito gumamit ng insulin.

Ang 14 na akusado ay napatunayang nagkasala ng manslaughter matapos ang “judge only trial.”

Sa pagbabasa ng sentensiya, pinatawan ni Queensland Supreme Court Justice Martin Burns ng 13 taong pagkakakulong si Brendan Stevens, 63 anyos. Kinondena ng mahistrado si Stevens bilang isang “dangerous, highly manipulative individual.”

Ang 11 miyembro ng sekta na kumanta at nagdasal habang namamatay si Elizabeth ay magdurusa ng anim hanggang siyam na taong pagkakulong.

Ang mag-asawang Struhs ay dati nang nakulong nang hindi nila bigyan ng kaukulang pagpapagamot si Elizabeth noong anim na taon pa lamang ito.

Si Jason ay pinatawan ng suspended sentence nang aminin nito na hindi nga niya nabigyan ng kaukulang pangangailangan sa buhay ang anak.

Si Kerrie naman ay hindi umamin ng kasalanan at pinatawan ng 18-buwan pagkakakulong.

Comments

Share Your ThoughtsBe the first to write a comment.
bottom of page