

FAITH AND RELIGION
Kauna-unahang santa ng Venezuela inaprubahan ng Santo Papa
%20(20).jpeg)
Ang unang santa ng Venezuela na si Maria Carmen Rendiles. (Larawan mula sa Exaudi)
4/3/25, 9:03 AM
Ni Tracy Cabrera
CARACAS, Venezuela — Nakatakdang hirangin ang kauna-unahang santa ng Venezuela makaraang aaprubahan ni Santo Papa Francisco si Blessed María Carmen Rendiles bilang first female Catholic saint ng nasabing bansa.
Binigyang-diin ito ni Pope Francis Kasunod ng pagbigay awtorisasyon sa isang decree ukol sa milagrong inugnay kay Rendiles, na siyang nagtatag ng Congregation of the Handmaids of Jesus.
Gayun pa man, wala pang itinakda ng petsa ng canonization ni Rendiles, na isinilang noong Agosto 11, 1903 sa kabisera ng Venezuela na lungsod ng Caracas at pumanaw noong Mayo 9, 1977.
Sa murang edad, Kasunod ng pagkamatay ng kanyang ama, tinulungan ni Rendiles ang kanyang Ina sa pagtaguyod ng kanilang pamilya sa pamamagitan ng paninilbihan sa lokal na parokya.
Noong 1927, sumapi siya sa isang French congregation at naging nobikano sa edad na 24 taong gulang. Makaraan ang 34 na taon at sa tulong ng lokal na Catholic hierarchy, itinatag niya ang isang autonomous congregation.
Ginunita ng Catholic Bishops Conference of Venezuela kung paano nagpursigi si Rendiles sa kabila ng pag wala ng isa niyang braso na ipagpatuloy ang pagsisilbi sa Simbahan at sa Diyos kahit may kapansanan.
Hiniling ng mga pinuno ng Venezuelan Catholic Church ang kanyang canonization noong 1995 at nasundan ito ng kanyang beatification noong 2018.
Ayon sa Vatican, nagawang mapagaling sa pananampalataya ang isang dalaga na na-diagnosed na may hydrocephalus makaraang ipanalangin ang kanyang pagaling sa isang Banal na Misa sa puntod at hipuin ang larawan ni Rendiles.