top of page
Screenshot_2024-09-08_193102-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220233-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220244-removebg-preview.png
  • Facebook
  • X
  • Instagram

FAITH AND RELIGION

Maimpluwensyang grupong Katoliko sa Peru, binuwag ni Pope Francis dahil sa ‘sadistic’ abuses

Photo from The Associated Press

1/22/25, 9:11 AM

Ipinabuwag ni Pope Francis ang isang maimpluwensyang komunidad ng mga mananampalatayang Katoliko sa South America at Estados Unidos matapos mapatunayan sa imbestigasyon ang mga ginagawang pang-aabusong sekswal at psychological sa mga kasapi nito.



Hindi na ipinaliwanag ng Sodalitium Christianae Vitae na nakabase sa Peru ang dahilan, ngunit kinumpirma ng mga namumuno na nilusaw na nga ang kanilang samahan.



Sa pahayag ng Sodalitium na may 20,000 kasapi, hindi na magiging aktibo ang samahan ng mga Katoliko.



Itinayo sa Peru ni Luis Fernando Figari noong 1971, ang Sodalitium ay may mga miyembrong Catholic laymen at kaparian.



Kinilala ni Pope John Paul II bilang isang opisyal na Catholic religious community ang Sodalitium noong 1997 bago siya pumanaw.



Naging kontrobersyal ang grupo nang simulan ng Peruvian prosecutors’ office at ng Vatican ang magkahiwalay na imbestigasyon tungkol sa mga reklamong pananakit at pang-aabuso na ginagawa ng ilang namumuno sa samahan.



Sa ulat ng mga nag-imbestiga na inilathala noong 2017, napag-alaman na si Figari at iba pang mga nakatataas na kasapi ng samahan ay nag-abuso ng 19 na kabataan at sampung indibidwal na nasa hustong gulang na.



Dahil dito nagutos si Pope Francis ng imbestigasyon na isinagawa ng mga sexual abuse experts ng Vatican. Ito ang naging sanhi ng pagtanggal kay Figari mula sa grupo noong 2024.



Pambihirang mangyari ang paglusaw ng isang religious community ng mga Katoliko ang papa subalit malubha umano ang mga nangyayari sa loob ng samahan ayon sa imbestigasyon ng Vatican.



Inakusahan nito si Figari ng pagsagawa ng mga “sadistic” abuses of power, authority and spirituality. Kasama sa umanong malubhang pagkakasala niya ang “sodomy” na isinagawaniya sa mga baguhang miyembro.

Comments

Share Your ThoughtsBe the first to write a comment.
bottom of page