FAITH AND RELIGION
Paring pumayag sa shooting ni singer-actress Sabrina Carpenter sa simbahan pinababa sa puwesto
Photo from www.thestar.com.my
11/21/24, 3:50 AM
Tuluyan nang tinanggal sa puwesto si Monsignor Jamie Gigantiello ng Brooklyn Church na naging kontrobersiyal nang payagan nitong mag-shooting ng music video ang seksing actress-singer Sabrina Carpenter sa nasabing simbahang Katoliko New York, USA.
Ibinaba ang direktiba ng Roman Catholic Diocese of Brooklyn nitong Nobyembre 18 (Lunes).
Bagamat nauna nang parusahan si Gigantiello dahil sa kontrobersiya tungkol kay Carpenter, sa pinakabagong hakbang disiplina na ipinataw sa kanya.
Pinayagan ni Gigantiello na mag-shooting si Carpenter ng “provocative video” noong isang taon para sa kanyang hit son na “Feather.”
Ito ang lumikha ng kontrobersiya na lubhang ikinagalit ng mga parokyano na kinondena ang tila kawalan ng paggalang para sa sagradong simbahan.
Inilabas noong Oktubre, 2023, ang “Feather” music video ay nagsaad ng hindi magandang inaasal ng mga kalalakihan kay Carpenter bago nila sapitin ang nakakahindik na kamatayan.
Ayon kay Bishop Robert Brennan hindi na mabibigyan ng anumang “pastoral oversight or governance role” si Gigantiello sa kanyang simbahan sa Brooklyn.
Ito ay matapos na mabatid sa imbestigasyon na nagsagawa ng mga “unauthorized financial transfers” ang pari para sa isang dating mataas na aide ni New York City Mayor Eric Adams na nasasangkot din sa akusasyon ng corruption.
“I am saddened to share that investigations conducted by Alvrez & Marshal and Sullivan & Cromwell have uncovered evidence of serious violations of Diocesan policies and protocols at Our Lady of Mount Carmel-Anunciation Parish” sinabi ni Brennan.
Dagdag pa ng obispo: “In order to safeguard the public trust and to protect church funds, I have appointed Bishop Witold Mroziewski as administrator of the Parish.”