top of page
Screenshot_2024-09-08_193102-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220233-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220244-removebg-preview.png
  • Facebook
  • X
  • Instagram

FAITH AND RELIGION

Pope Francis: Umiwas sa tukso ng ‘marites’

Photo from catholicoutlook.org

12/7/24, 5:50 AM

Ni Samantha Faith Flores

Nanawagan si Pope Francis sa mga relihiyoso na iwasan nila ang ‘marites’ at sa halip ay tumulong na lang sa pagpapalaganap ng Salita ng Diyos.

Ipinahayag ng Papa ang panawagan nitong Biyernes (Disyembre 6) sa pakikipagusap niya sa mga Carmelite Sisters Messengers of the Holy Spirit na nakasama niya sa paglalakbay sa mga banal na lugar sa Brazil at iba’t-ibang parte ng Europe.

Ayon kay Pope Francis ang taong ito ay nagbibigay sa mga madre ng magandang pagpapaalala ng kanilang pangako na magsilbi sa ebanghelisasyon at pagpapalaganap ng Salita ng Diyos.

Ipinagdiriwang ng Carmelite sisters ang ika-40 anibersaryo at paghalal ng bagong liderato habang isinasagawa ang 4th General Chapter.

Sinabi niya na ang mga Kristiyano ay may tungkulin na ipakalat ang Gospel sa buong mundo.

Inihabilin din ng lider Katoliko na panatilihin ang pag-iwas sa tukso ng tsismis o gossip.

“Gossip is opposed to preaching the Gospel because gossip leads us to condemn others,” diin ni Pope FRancis.

Dagdag niya: “The Gospel, however is always welcoming.”

Bilang mga Carmelite, ayon sa papa, the mga relihiyoso ay may natatanging misyon na manguna sa buhay ng ebanghelisasyon at pagdarasal.

Sinabi ng Papa: “In your institute, this missionary driver for evangelization in various fields is closely connected with contemplation and a life of prayer that follows the ancient and beautiful Carmelite tradition.”

Comments

Deine Meinung teilenJetzt den ersten Kommentar verfassen.
bottom of page