FAITH AND RELIGION
Pope Francis may pasa sa baba sa seremonya ng 21 bagong kardinal
Photo from people.com
12/9/24, 7:00 AM
Kapansin-pansin ang malaking pasa sa baba ni Pope Francis habang pinangunahan niya ang isang seremonya para italaga ang 21 bagong kardinal ng Simbahang Katoliko.
Ayon sa Vatican, ang nasabing pasa ay resulta ng bahagyang pagkadapa ng Santo Papa noong Biyernes ng umaga.
Tumama umano ang baba nito sa gilid ng kanyang mesa sa kwarto.
Hindi na sila nagbigay ng karagdagang detalye, pero tila nasa maayos na kondisyon si Pope Francis sa seremonya sa St. Peter's Basilica.
Kabilang sa mga bagong kardinal si Pablo Virgilio David, obispo ng Diocese of Caloocan, at iba pang opisyal ng simbahan mula Peru, Argentina, Japan, Algeria, India, at Serbia.
Ang mga kardinal ang pinakamataas na opisyal sa Simbahang Katoliko, kasunod ng papa. Kapag namatay o nagbitiw ang isang pope, ang mga kardinal edad 80 pababa ang kinakailangang maghalal ng bagong Santo Papa.
Sa kanyang homily, hinikayat sila ni Pope Francis na mag-ingat laban sa "nakakasirang kumpetisyon ng mundong ito."
Aniya, ang tungkulin nila ay "lumakad sa landas ni Hesus" sa pamamagitan ng pagsusulong ng pagkakaisa sa simbahan.
"You will be a radiant sign in the midst of a society obsessed with appearances and power," ani Francis.
"Our hearts can go astray, allowing us to be dazzled by the allure of prestige, the seduction of power," dagdag niya.
"The Lord is looking to you, who come from different backgrounds and cultures, and represent the catholicity of the Church," sabi niya pa. "He is calling you to be witnesses of fraternity, artisans of communion and builders of unity."