top of page
1-removebg-preview.png
  • Facebook
  • X
  • Instagram

JUST IN 

76-anyos na wrestler viral dahil sa pagbubuhat ng heavy weights

3/21/24, 9:05 AM

Ni MJ Blancaflor

Puno talaga ng mga kahanga-hangang istorya ang social media, at isa na rito ang kakaibang lakas ng 76-taong-gulang na wrestler sa India.

Batay sa ulat ng Republic World, namataan ang isang lolo wrestler na kinilalang si Shridhar Mishra mula sa lungsod ng Varanasi, India na nagbuhat ng 25 kilong heavy weight sa kanyang balikat.

Hindi pa raw nakuntento dito ang lalaki. Sa halip, iwinasiwas niya pa ang mga ito na ikinatuwa at ikinagulat naman ng mga manonood.

Ipinost ito sa social media ng isa sa mga saksi.

Dahil dito, kinagigiliwan ngayon si Shridhar na ayon sa mga netizen ay tiyak na malusog ang pangangatawan.

"If he can lift that at the age of 76, then imagine his power at the age of 25," sabi ng isang commenter.

"Age is just a number," dagdag naman ng isa pa.

Photo courtesy of Republic World

bottom of page