top of page
  • Facebook
  • X
  • Instagram

JUST IN 

Malaking pagsipa ng presyo ng mga produktong petrolyo inaasahan sa Peb. 6

2/3/24, 9:30 AM

Sa ikalimang magkakasunod na linggo, magtataas muli ang presyo ng langis, ayon sa mga experto sa industriya.

Tinatayang aakyat ang halaga ng diesel mula PHP1.30 hanggang PHP1.50 bawat litro.

Pinakamalaki itong pagsipa ng presyo sa mga produktong petrolyo na magsisimula sa Martes (Pebrero 6)

Ang gasolina naman ay maaaring magdagdag ng PHP0.60 hanggang P0.80 bawat litro.

Malaki rin ang idaragdag sa presyo ng gaas o kerosene na mula sa PHP0.70 hanggang PHP1 kada litro.

Ang tinatayang pagdagdag ng presyo ng mga produktong petrolyo ay ibinase sa Means of Platts Singapore na nakararanas ng pagbaba pagdating ng katapusan ng linggo.

Samantala, itinaas noong Biyernes (Pebrero 2) ng Petron Corp. at Solane ang presyo ng liquefied petroleum gas.

Nagpatupad ang Petron ng PHP0.95 kada kilo ng cooking gas. Ang Solane naman ay nagpahayag ng pagsipa ng halaga ng LPG ng PHP0,91 bawat litro.

Ayon sa pahayag ng Petron ang pagsipa ng presyo ng LPG ay sumasalamin sa pandaigdigang contract price sa buwan ng Pebrero.

Photo from bworldonline.com

bottom of page