

Obiena balik-tugatog, nasungkit ang ginto sa Orlen Copernicus Cup sa Poland

Obiena balik-tugatog, nasungkit ang ginto sa Orlen Copernicus Cup sa Poland
2/17/25, 8:54 AM
Nagbabalik sa tugatog ng pole vault ang Filipino na si EJ Obiena at nasungkit nito ang gintong medalya para sa season-best niyang 5.80 meters sa Orlen Copernicus Cup sa Torun, Poland.
Kasalukuyang No. 4 sa world ranking, si Obiena ay lalong nagiging masigasig sa kanyang sport at marami ang naniniwalang makababalik siya sa pinakamataas na antas sa pandaigdigang kumpetisyon.
Pangalawa nang ginto ang nakuha ni Obiena ngayon 2025,.
Tinalo niya si Piotr Lisek ng Poland at Sondre Guttormsen ng Norway na naka-tawid lamang ng 5.70 meters. Si LIsek ang tinanghal na silver medalist.
“Still chasing… Good day in Torun with a new SB of 5.80m and a win,” inanunsyo ni Obiena sa kanyang Instagram.
Sa tatlong sinalihan niyang pole vault competition nitong taon, dalawa na ang gintong naiuwi ni EJ.
Silver ang napanalunan niya sa International Springer Meeting na ginanap sa Cottbus, Germany noong Enero.