top of page
  • Facebook
  • X
  • Instagram

SENIOR CITIZENS NEWS OF THE DAY

76-anyos sa Hong Kong arestado matapos masapul ng asido ang isang babae

5/10/24, 8:09 AM

Inaresto ng mga pulis sa Hong Kong ang isang 76-anyos na lalaki matapos masapul ng dalawang bote ng asido ang isang babaeng edad 73.

Ayon sa ulat ng The Standard, naglalakad ang babae kasama ang kanyang anak sa Wan Hon Estate sa Kwun Tong District nang masapul ito ng asido sa kanyang mukha, leeg, at kamay.

Itinapon umano ng lalaki ang dalawang bote ng asido sa kanyang bintana na nasa unang palapag ng gusali matapos maglinis ng kanyang lababo.

Hindi malinaw sa ulat kung bakit sa bintana inihagis ng lalaki ang mapanganib na likido.

Nag-match naman ang mga bote ng asido sa dalawang takip ng bote na nakita ng mga awtoridad sa basurahan ng tinitirhan ng lalaki.

Mahaharap sa kaso ang suspek habang nagpapagaling na ang biktima sa ospital.

Photo from inc

bottom of page