top of page
  • Facebook
  • X
  • Instagram

SENIOR CITIZENS NEWS OF THE DAY

81 anyos na “serial slingshot shooter” namatay matapos magpiyansa

5/31/24, 8:50 AM

Namatay matapos magpiyansa sa bilangguan ang isang 81 anyos na lolo at dito nagwakas ang umanong siyam na taon niyang panggugulo gamit ang tirador laban sa kanyang mga kapitbahay sa Los Angeles County, California.

Si Prince King ay inakusahan ng mga kapitbahay niya ng pananakot at paninira ng mga bintana ng mga bahay at kotse sa kanilang lugar sa Azusa.

Siya ay kinasuhan ng ilang kasong vandalism na isinampa ng mga hindi nakatiis sa kanyang umano’y “reign of terror.”

Matapos na magdeklara ng “not guilty” sa mga akusasyon, si King ay naglagak ng piyansa upang makalabas sa pagka-detine.

Noong Mayo 28, binawian ng buhay si Prince sa isang pribadong tahanan. Hindi agad naiulat kung ano ang sanhi ng kanyang pagkamatay.

Subalit napag-alaman na marami na rin dinaramdam ng sakit si Prince gawa ng kanyang katandaan.

Ayon kay Lt. Jake Bushey ng Azusa police department, hinuli ng pulisya si Prince matapos na magreklamo ang marami nitong mga kapitbahay na nagalit sa kanyang umano’y panggugulo sa kalye nila.

Nalaman ng mga imbestigador na binabalahan ni Prince ng mga ball bearings ang kanyan tirador.

Maraming nagsabi na gumagamit ng tirador si Prince mula sa kanyang bakuran tuwing siya ay nagsusungit. Dahil dito marami na rin mga bintana ng bahay at mga sasakyan ang nabasag ng octogenarian.

“During the course of nine to ten years, dozens of citizens were being victimized by a serial slingshot shooter,” sabi ni Bushey na nagbasa ng pahayag ng police department.

Sa pamamagitan ng search warrant hinalughug ng mga pulis ang bahay ni Prince at doon nga natagpuan ang tirador at metal bearings.

Bago payagang mag-piyansa, sinabihan ng hukuman si Prince na lumayo ng 200 yarda mula sa mga bahay ng mga nagreklamo. Pinagbawalan din siyang makipag-usap sa kanila.

Photo from New York Post

bottom of page