top of page
  • Facebook
  • X
  • Instagram

SENIOR CITIZENS NEWS OF THE DAY

BP maintenance meds sanhi ng mas mataas na peligro ng pagkapilay ng mga seniors?

6/3/24, 12:52 PM

Isang pag-aaral ng New Jersey-based Rutgers Health research ang nag-uugnay ng higit na mataas na peligro ng pagkapilay sa mga senior citizens sa mga nursing homes na umiinom ng mga gamot para sa alta presyon.

Bagamat ganito ang resulta ng pag-aaral, hindi pa naman ito nasusuportahan ng ibang mga pananaliksik.

Ngunit ayon sa mga umakda ng pag-aaral, may 30,000 residente ng mga nursing homes na umiinom ng mga maintenance sa high blood pressure ang nanganganib sa higit na mataas na insidente ng life-threatening bone fractures.

Tinitingnang sanhi nito ay ang mataas na probabilidad ng pinsala sa balanse ng mga taong regular na umiinom ng mga gamot para sa blood pressure.

Partikular umano dito ang mga insidente kung saan tumatayo ang pasyente at pansamantalang nakarararamdam ng low blood pressure na nakaaapekto sa daloy ng oxygen sa utak at loss of balance.

Ipinaliwanag pa ng Rutgers researchers na ang interkasyon ng BP maintenance medicine sa ibang mga gamot ang nagdaragdag sa problema.

“Bone fractures often start nursing home patients on a downward spiral. Roughly 40 percent of those who fracture a hip die within the next year, so it’s truly alarming to find that a class of medications used by 70 percent of all nursing home residents more than doubles the bone fracture risk,” ayon kay Chintan Dave, academic director ng Rutgers Center for Health Outcomes, Policy and Economics at pangunahing nag-akda ng pag-sasaliksik.

Bagamat higit na malaki ang benepisyo ng BP medications sa mga matatanda kumpara ng pagkakaroon ng baling buto, ipinayo ni Dave na dapat huwag bale-walain ang resulta ng kanila pag-aaral.

Ang pag-aaral ay base sa mga obserbasyon ng research team sa Veterans Health Administration data ng mahigit sa 29,000 senior citizen patients na matagal nang nakahimpil sa mga nursing homes mula 2006 hanggang 2019.

May mga 2.5 milyong senior citizens na Amerikano ang nakatira sa mga nursing homes or assisted living facilities.

Umaabot sa 50 porsiyente sa kanila ang nadisgrasya na sa pagkakahulog, ayon sa pag-aaral.

Photo from cannabidiol360.com

bottom of page