top of page
Screenshot_2024-09-08_193102-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220233-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220244-removebg-preview.png
  • Facebook
  • X
  • Instagram

SENIOR CITIZENS NEWS OF THE DAY

NCSC: BBM pangungunahan nationwide cash gift distribution sa ilalim ng Expanded Centenarian Act

2/20/25, 10:32 AM

Ni Samantha Faith Flores

Pangungunahan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang pagmamahagi ng cash gift para sa mga nagdiwang ng kani-kanilang milestone birthday sang-ayon sa probisyon ng Expanded Centenarian Act of 2024, ayon sa National Commission on Senior Citizens (NCSC).

Sa darating na Pebrero 26, sabay-sabay ipamumudmod ng iba’t-ibang lokal na pamahalaan at NCSC ang pag-turnover ng PHP10,000 sa mga kwalipikadong benepisaryo na nagdiwang ng kanilang ika-80, 85, 90 at 95 kaarawan simula nitong Enero, 2025.

Ayon kay NCSC Commissioner at officer-in-charge Dr Mary Jean Loreche , maglalabas ng PHP2.9 bilyon ang pamahalaan bilang financial aid sa 275,000 senior citizens sa buong kapuluan.

Sinabi ni Loreche na ang inaugural payout na isasagawa sa Malacañang ay isinabay sa unang anibersaryo ng pagkaka-apruba ng Expanded Centenarians Act.

Ganap na naisabatas ang Republic Act 11982 o Expanded Centenarians Act noong pirmahan ito ni Marcos noong Pebrero 26, 2024.

“This initiative underscores the government’s dedication to recognize and uplift the lives of elderly Filipinos,” paliwanag ng ahensya sa isang pahayag.

Ayon sa ahensya na tumutugon at nangangalaga sa kapakanan ng mga nakatatandang Pilipino, ang RA 11982 ay isinabatas ng Kongreso upang tugunan ang pagbabago ng demographiya ng bansa na patungo sa pagtanda ng populasyon.

Comments

Share Your ThoughtsBe the first to write a comment.
bottom of page