

SENIOR CITIZENS NEWS OF THE DAY
Pumanaw na si heavyweight boxing legend George Foreman, 76

3/22/25, 11:47 AM
Pumanaw na si dating world heavyweight boxing champion George Foreman na kilala sa kanyang mga laban kay alamat ng boksing na si Muhammad Ali. Si Foreman ay 76.
Nakilala si Foreman sa yanig ng kanyang mga suntok na naging dahilan upang masungkit niya ang Olympic gold medal sa nasabing sport matapos lamang ang 25 amateur fights.
Pareho niyang ginupo sina Ali at Joe Frazier bago siya matalo kay Ali sa kanilang pamosong “Rumble in the Jungle” title bout noong 1974 sa Kinshasha, Zaire, Democratic Republic of Congo ngayon.
“Our hearts are broken. With proound sorrow, we announce the passing of our beloved George Edward Foreman Sr. who peacefully depart4ed on March 21, 2025 surround by loved ones. A devout preacher, a devoted husband, a loving father and a proud grand and great grandfather, he lived a life marked by unwavering faith, humility and purpose,” ayon sa pahayag ng kanyang pamilya sa Instagram.
“A humanitarian, an Olympian and two-time heavyweight champion of the world, He was deeply respected - a force for good, a man of discipline, conviction and a protector of his legacy, fighting tirelessly to pr4eserve his good name - for his family,” sang-ayon pa sa pahayag.
Dagdag ng kanyang pamilya: “We are grateful for the outpouring of love and prayers, and kindly ask for privacy as we honor the extraordinary life of a man we were blessed to call our own.”
Matapos siyang mag-retiro sa matagumpay na propesyon bilang boksingero, naging maunlad din si Foreman bilang isang negosyante. Itinayo niya ang “George Foreman Lean Mean Fat-Reducing Grilling Machine” noong 1994 na may sales na umabot sa higit 100 milyon.
Bago pumanaw, si Foreman ay matapat na Christian. Naging ordained minister siya matapos ang ikalawa niyang pagkatalo sa boksing noong 1977.
Matapos ang sampung taon sa edad na 39, bumalik sa ring si Foreman bagamat marami ang nakapansin na hindi siya handa. Sa laban na tinaguriang “The Battle of the Ages” nabigo ang comeback bid ni Foreman sa mga kamay ng 28 anyos na si Evander Holyfield noong 1991.
Ngunit makaraan ang tatlong taon, ginulantang ni Foreman ang mundo ng boksing nang manalo sa ng IBF at WBA heavyweight titles laban kay Michael Moorer. Si Foreman ay 42 anyos na noon.
Muli siyang nagretiro noong 1997 sa record na 76 panalo at limang talo. Naka-record siya ng 68 knockouts sa kanyang boxing career.
Sa panayam noong 2023, sinabi ni Foreman na ang kanyang 1994 victory ay higit pang mahalaga at ispesyal sa kanya kumpara sa unang heavyweight title niya laban kay Frazier.