ENTERTAINMENT / SPORTS
“Pagpanaw" ni Kris Aquino isang malaking fake news - Ogie Diaz
12/21/24, 10:00 AM
Fake news ang nagliparang mga social media posts na pumanaw na ang Queen of All Media na si Kris Aquino, ayon kay talent manager Ogie Diaz.
Bagamat wala pang ipinalalabas na opisyal na pahayag ang kampo ni Aquino, idiniin naman ni Diaz na siya mismo ang kumontak sa mga malapit kay Kris upang alamin ang katotohanan sa mga balita sa Internet.
“That’s why I asked Tita Mary Ann Opeña, isang napaka-close kay Kris Aquino. Tinawagan agad si Alvin, ‘yung secretary ni Kris at natawa na lamang si Alvin,” ayon kay Ogie.
Sinabi ni Diaz na tinawanan ni Alvin ang balita sapagkat malayo umano ito sa katotohanan.
Inilahad ni Ogie na ipinaliwanag ni Opeña na nasa recovery state pa si Kris at pabirong sinabi na ang mga nagiging biktima ng maling balita na pumanaw na ay lalo pang humahaba ang buhay.
Bumalik saq Pilipinas si Aquino noong Setyembre 13 upang dito ipagpatuloy ang pagpapagamot sa kanyang mga sakit.
Sa kanyang pagbabalik, nagsabi pa si Kris, 53, na may plano siyang bumalik sa show business kapag higit pang bumuti ang kanyang kalagayan.
Ikinatuwa ito ng kanyang mga fans ngunit ilang araw pa ay bigla naman nawala sa mga balitang showbiz ang pinakabunsong anak ng yumao nang Pangulong Corazon C. Aquino at kapatid ng yumao na rin si Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III.
Ang pagkawala ni Aquino sa balita ang maaaring naging dahilan kung bakit may mga lumabas na fake news tungkol sa kanya.