

ENTERTAINMENT / SPORTS
61-anyos Pamela Bach, ex-wife ni “Baywatch” star David Hasselhoff, nagpatiwakal

3/8/25, 9:01 AM
LOS ANGELES, California - Nag-suicide umano ang dating television star na si 61-anyos Pamela Bach, ex-wife ni David Hasselhoff ang sikat na hunk ng “Baywatch” at “Knight Rider”.
Ayon sa report ng Los Angeles medical examiner’s office natagpuan ang katawan ni Pamela sa kanyang tahanan ng mga paramedics noong Miyerkules ng gabi (Marso 5).
Hindi na naibalita ng mga awtoridad ang paraan ng pagkamatay ni Bach na unang nakilala sa The Young and the Restless.
Sa kanyang pahayag, sinabi ni Hasselhoff: “Our family is deeply saddened by the recent passing of Pamela Hasselhoff.”
“We are grateful for the outpouring of love and support during this difficult time but we kindly request privacy as we grieve and navigate through this challenging time,” dagdag niya.
Nakilala ni Pamela ang mapapangasawang si David sa set ng TV series na “Knight Rider.”
Nang maging magkasintahan, lumabas si Bach sa TV series na “Baywatch” kung saan lalong sumikat si David.
Nagpakasal ang dalawa noong Disyembre, 1989 at may dalawang anak na babae, sina Taylor at Hayley.
Noong 2006, nakipag-diborsiyo si Hasselhoff sa asawa matapos na akusahan siya ng domestic abuse ni Bach.
Naging masidhi ang away ng dalawa nang tanggalan ng visitation rights si Hasselhoff dahil sa kumalat na video kung saan nakita siyang lasing habang kumakain ng hamburger.