

ENTERTAINMENT / SPORTS
73-anyos Gloria Diaz may 28 taon nang pinasasaya ng mas batang BF

4/1/25, 8:46 AM
Ni Samantha Faith Flores
Marami ang nagulat at natuwa nang aminin ng 73-anyos na dating Miss Universe Gloria Diaz ang pakikipag-relasyon sa isang bank executive na walong taong na mas bata sa kanya.
Sa isang press conference para sa thriller na “Untold”, proud ang aktres na ibalita sa mga entertainment journalist na ang kanyang kasintahan na 28 taon ang agwat ng edad nila ni Michael O. De Jesus na senior citizen na rin sa edad na 65.
Si De Jesus ay pangulo at chief executive officer ng Development Bank of the Philippines.
“He’s younger than me. But he and my former husband, we used to go out together. Sabi ko, I can handle two guys at the same time. Always open your options,” masayang ibinalita ni Gloria.
Namatay noong 2016 si Bong, na galing sa pamilya ng mga restaurateur.
Magdiriwang ang dating world beauty title holder ng kanyan ika-74 na kaarawan ngayon Abril.
May 28 taon na rin silang magka-relasyon ni De Jesus at ang pagsasama nila ay inilarawan ni Diaz na “super good.”
Wala naman siyang reklamo sa dati niyang asawa na si Gabriel “Bong” Daza III. Ikiinasal ang dalawa noong 1986 at nagkaroon ng tatlong anak, kasama ang aktres at TV host na si Isabelle Daza.
Naghiwalay ang dalawa noong 1995 at kalaunan ay nagka-relasyon si Gloria kay De Jesus.
Ayon kay Gloria bagamat mas bata ang kanyang ka-partner sa buhay ngayon, kadalasan naman nangyayari na ang lalaki ang naga-adjust sa pakikipag-relasyon sa mas may edad na babae.
“He became older na rin. He became mature. He’s a serious banker,” sabi ni Diaz.
Hindi na ninanais ni Gloria na magpakasal pa sila ng kanyang kinakasama.
“Huwag na. At my age, alangan naman naka-white (bridal gown) pa ako,” diin ni Gloria.