top of page
Screenshot_2024-09-08_193102-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220233-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220244-removebg-preview.png
  • Facebook
  • X
  • Instagram

ENTERTAINMENT / SPORTS

Aegis vocalist Mercy Sunot, nakiusap ng dasal bago pumanaw

Filipina artistic swimmer Georgia Francesca Carmina Sanchez Tan (center). (Photo from the Philippine News Agency)

11/18/24, 10:04 AM

Nagapi ng sakit na breast cancer ang vocalist ng popular na Aegis band na si Mercy Sunot.

Hinangaan dahil sa mataas na inaabot ng boses si Mercy na 48 lamang nang pumanaw.

Ang kanyang pagpanaw ay ipinahayag ng bantog na grupo sa Facebook post nitong Lunes (Nobyembre 18).

“It is with heavy hearts that we share the news of the passing of Mercy, one of the beloved vocalists of AEGIS BAnd. She bravely fought her battle with cancer but now found peace and rest,” ayon sa banda.

Dagdag pa ng post: “Mercy’s voice wasn’t just part of AEGIS - it was a voice that brought comfort, joy and strength to many. She has touched countless lives, inspired fans and lifting spirits with every song she sang. Her passion, warmth and unforgettable presence on stage will forever be cherished in our hearts.”

Hinikayat ng Aegis ang mga fans na ipagdiwang ang kakaibang buhay ni Mercy na nag-iwan ng maraming alaala sa maraming mga Filipino at mga tagahanga.

“Mercy, thank you for the music, the love and the memories. You will be deeply missed,” sabi ng grupo.

Ilang araw bago pumanaw, nag-share pa si Mercy sa FB na katatapos lang niyang maoperahan sa baga.

“Tapos na ‘yung surgery ko sa lungs, pero bilang nahirapan akong humingo, so dinala ako sa ICU,” kuwento niya.

“Tapos ngayon, may tubig pala, may inflammation ‘yung lungs ko, so ginagawan nila ng paraan,” dagdag ni Mercy.

Ayon pa sa mang-aawit: “Ping-steroids, pinainom sa akin ng doktor para sa inflammation. Pag-pray ninyo ako guys, please. Pag-pray ninyo ako na matatapos na ‘tong pagsubok na ito.”

bottom of page