top of page
Screenshot_2024-09-08_193102-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220233-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220244-removebg-preview.png
  • Facebook
  • X
  • Instagram

ENTERTAINMENT / SPORTS

Alzheimer’s disease ang salarin sa pagkamatay ng batikang aktor Gene Hackman

3/10/25, 2:33 AM

Ni Samantha Faith Flores

Kung hindi sana siya apektado ng Alzheimer’s disease, malaki ang posibilidad na nakaligtas ang batikang Hollywood actor Gene Hackman sa kanyang kamatayan.

Nakalimutan ng multi-awarded actor na tumawag sa “911” upang humingi ng tulong sa mga awtoridad bagamat pitong araw nang patay ang kanyang asawa na si Betsy Arakawa sa kanilang tahanan sa New Mexico noong Pebrero 11.

Pumanaw sa edad na 65 si Betsy dahil sa Hantavirus Pumonary Syndrome na galing sa mga hayop, ayon sa New Mexico Department of Health.

Tinatayang namatay dahil sa hypertensive atherosclerosis cardiovascular disease si Hackman noong Pebrero 18..

Ayon kay Dr. Heather Jarrell, chief medical investigator, may mga ebidensyang malala na ang Alzheimer’s disease ni Hackman.

Sinabi naman ng sikat na forensic pathologist Dr. Michael Baden, ang ikinilos ni Hackman matapos mamatay ang asawa ay nangangahulugang apektado na ang isipan nito ng Alzheimer’s kung kaya hindi niya alam na patay na si Arakawa.

Ipinjaliwanag ni Baden na nakalimutan ni Hackman na humingi ng tulong mula sa 911.

Bagamat inutusan si Hackman ng kanyang kagutuman na kumuha ng pagkain sa refrigerator at uminom ng tubig mula sa kusina, hindi sumagi sa isipan nito ang humingi ng tulong dahil sa kaniyang malalang sitwasyon.

Si Betsy ang tumatayong caregiver ni Hackman habang siya ay tumatanda at nagpasyang maging isolated sa kanyang estate sa Sta. Fe, New Mexico.

Lumipat si Hackman sa Santa Fe noong 1980’s matapos magkipag-divorce sa kanyang unang asawa. Nagustuhan niya ang lugar at dito na siya nanirahan hanggang mamatay.

bottom of page