ENTERTAINMENT / SPORTS
Beatles, idol ng seniors, makakalaban nina Taylor Swift, Beyonce sa Grammy Awards
Filipina artistic swimmer Georgia Francesca Carmina Sanchez Tan (center). (Photo from the Philippine News Agency)
11/9/24, 8:51 AM
Ni Anna Mae B. Rosario
Higit na 50 dekada matapos mabuwag, nakatanggap pa rin ng nominasyon ang Beatles sa prestihiyosong 2025 Grammy Awards para sa kaniang kahuli-hulihang kinanta ang “Now and Then.
Idolo ng mga kabataan noong Dekada 60’s, ang Fab Four ay nominado rin sa record of the year category ng kinikilalang international award giving body para sa mga katangi-tanging awitin at mga performers sa larangan ng musika.
Makakalaban ng Beatles sa kategoryang record of the year ang mga bagong performers na halos mga apo na ng banda - sina Beyonce, Taylor Swift at Billie Ellish.
Maraming Filipino ang nag-aabang kina Filipino American singers Bruno Mars at Olivia Rodrigo.
Si Mars ay nominado sa kanyang awitin “Die With a Smile” kung saan niya kasama ang batikang si Lady Gaga. Ang kanta ay nominado sa mga kategoryang Song of the Year and Best Pop Duo/Group Performance.
Ang sumisikat na batang pop star na si Rodrigo ay nominado sa Best Song Written for Visual Media para sa kanyang “Can’t Catch Me Now” na ginamit sa pelikulang “The Hunger Games: The Ballad of Songbirds and Snakes.”
Gaganapin ang Grammy Awards sa Pebrero 2 at inaasahan ng mga oldtimer na mananalong muli ang Beatles.
Huli itong naisama sa Grammy nominations noong 1997.
Ayon kay Paul McCartney ang “Now and Then” ang pinakahuling kanta ng grupo. Ito ay isinulat ni John Lennon na pinaslang noong 1980.
Original vocals ni Lennon ang maririnig sa recording at ito ay naipalabas sa pamamagitan ng makabagong teknolohiya na artificial intelligence.