top of page
Screenshot_2024-09-08_193102-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220233-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220244-removebg-preview.png
  • Facebook
  • X
  • Instagram

ENTERTAINMENT / SPORTS

Comedienne Matutina pumanaw na sa edad na 78

PHOTO COURTESY OF ABS-CBN News

2/14/25, 10:26 AM

Ni Annietha Fae Mar

Wala na ang beteranang aktres na si Matutina na naghatid ng maraming tawa at saya sa mga PIlipino dahil sa kanyang matining na boses.

Si Evelyn Bontogon Guerrero, tunay na pangalan ni Matutina, ay 78 anyos noong pumanaw dahil sa acute respiratory failulre.

Ang pagpanaw ni Matutina ay kinumpirma sa Facebook post ni Shiela Guerrero, kanyang anak. Matagal nang nakikipaglaban ang aktres sa Stage 5 Chronic Kidney Disease na sanhi ng hypertensive nephrosclerosis.

Nagsimula bilang radio talent si Matutina na nagagawang magpapalit-palit ng boses upang gumanap sa iba’t-ibang role sa radio drama na sumikat noong 1960’s.

Inumpisahan naman ang masayang movie and television career ni Matutina sa television sitcom “John en Marsha” na sumikat noong 1970’s hanggang 1990s.

Pinagbidahan nang pumanaw na rin na sina Dolphy at NIda Blanca, ang comedy show ay naging tiket din sa stardom ni Maricel Soriano.

Si Matutina ang tumayong katiwalang kasambahay ng mayamang si Doña Delilah G. Jones, na pinapelan ni Dely Atay-atayan.

`Bukod dito, lumabas din sa iba’t-ibang palabas sa telebisyon at pelikula si Matutina. Kasama sa mga ito ang sumusunod: “At Your Service, Matutina,”; “Ang Inyong Lingkod Matutina,” “ Dancing Master 2” at “Kapag Baboy ang Inutang.”

bottom of page