top of page
Screenshot_2024-09-08_193102-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220233-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220244-removebg-preview.png
  • Facebook
  • X
  • Instagram

ENTERTAINMENT / SPORTS

David Licauco ibinunyag na kumita siya ng P50M sa isang taon

3/18/25, 5:37 AM

Dahil sa pagyabong ng kanyang showbiz career at mga negosyo, kumita si Kapuso heartthrob David Licauco ng humigit-kumulang P50 milyon sa loob lamang ng isang taon.

Ibinahagi ito ng aktor — na nagmamay-ari ng restaurants na Kuya Korea at Sóbra Café, burger chains, at construction business — sa isang content creator na nagtanong sa kanya kung magkano ang pinakamalaking kinita niya sa isang taon.

"Hirap ng tanong mo, pare, ah," biro ni David sa panayam ng Izkul of Diskarte TikTok vlog ni Eiron Valdez.

Unang hula ni Eiron ay P10 milyon o P30 milyon.

Sagot naman ng aktor, "Higher."

"P50 milyon?" muling hula ni Eiron.

"Somewhere there," pag-amin ng aktor.

Ayon kay David, ini-invest niya ang lahat ng kinikita niya sa showbiz sa kanyang mga negosyo.

Inamin din niya na noong una ay hindi siya maingat sa pag-iinvest, ngunit natuto aniya siyang maging mas maingat sa kanyang mga desisyon sa pananalapi.

Ibinahagi rin ni David na naging inspirasyon niya sa pagnenegosyo ang kanyang pamilya na business-minded.

Bukod dito, ibinahagi rin niya ang kanyang karanasan sa ilang nabigong negosyo at binigyang-diin na “failure does not define us.”

Matatandaang yumabong ang showbiz career ni David dahil sa tambalan nila ni Kapuso primetime princess Barbie Forteza sa award-winning drama series na "Maria Clara at Ibarra." #

bottom of page