top of page
Screenshot_2024-09-08_193102-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220233-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220244-removebg-preview.png
  • Facebook
  • X
  • Instagram

ENTERTAINMENT / SPORTS

Dia Mate ng Cavite inuwi ang korona sa Reina Hispanoamericana 2025

2/12/25, 11:35 AM

Nasungkit ng 22-anyos na beauty queen ng Cavite na si Dia Mate ang ikalawang korona ng Pilipinas sa Reina Hispanoamericana.

Tinalbugan ni Dia ang higit 20 kandidata mula sa iba't ibang bansang may Hispanic heritage, suot ang sultry gold gown at Rian Fernandez creation sa coronation night ng naturang patimpalak na ginanap sa Bolivia.

Ito na ang ikalawang panalo ng bansa sa kompetisyon matapos ang makasaysayang pagwawagi ni Winwyn Marquez noong 2017.

Sa Q&A portion, tinanong si Dia: "What values do you think are the most important to our society, and why do you think this is important?"

Sagot niya: "I think the most important value that we should have is kindness. In my experience here in Bolivia, Latinas have shown me so much kindness and so much love even though racially, I am not Latino."

"And the most beautiful thing I've noticed is that even though we don't speak the same language, we share the same culture, same heart, and same faith in God, and I hope this shows everybody that if we use kindness we can show that we are all the same and can create a better world and a better society for us all," patuloy niya.

Si Dia din ang nagwagi sa Best in National Costume matapos irampa ang likha ni Ehrran Montoya na inspired sa Baroque churches ng bansa.

Proud na proud naman sa kanya ang kasintahang si JK Labajo.

"Congratulations, baby!" ang maikling caption ng singer-songwriter sa isang IG post.

Ilang araw bago sumabak sa Reina Hispanoamericana 2025 pageant si Dia, nag-post pa ito ng birthday message para kay JK na tinawag pa niyang "greatest love."

Si Sofia Fernandez ng Venezuela ang hinirang na Virreina Hispanoamericana (1st runner-up). Samantala, runners-up din ang mga kandidata ng Colombia, Spain, Peru, Brazil, at Poland. #


bottom of page