ENTERTAINMENT / SPORTS
Kasong acts of lasciviousness isinampa ni Rita Daniela laban kay Bubble Gang Archie
Filipina artistic swimmer Georgia Francesca Carmina Sanchez Tan (center). (Photo from the Philippine News Agency)
11/1/24, 3:38 AM
Sinampahan ni GMA artist Rita Daniela ng kasong Acts of Lasciviousness ang kapwa aktor na si Archie Alemania dahil sa umanoy sexual advances na ginawa nito sa co-star sa prime time teleserye “Widow's War”.
Sa kasong kriminal na isinampa sa Office of the Prosecutor ng Bacoor City, sinabi ni Daniela sa kanyang affidavit na pilit siyang halikan ng “torrid’ noong pumayag siyang pahatid sa Cavite.
Nangyari umano ang insidente pagkatapos ng thanksgiving party ni Bea Alonzo sa Quezon City noon pang Setyembre 9.
Ayon kay Rita, pasado alas-12 ng hatinggabi nang lapitan siya ni Archie, na halatang lasing noon, at nagparinig ng hindi tamang mga pangungusap.
Pinalagpas ng aktres ang mga tila pambabastos ni Archie, at sinabi sa sarili na gawa lamang ito ng kalasingan, bagamat pinatigil na rin ng host na si Alonzo si Alemania.
Nang pauwi na siya bandang 2:30 am, habang naghihintay si Rita ng Grab ride, ay dumaan sakay ng SUV si Alemania at nagkusang ihatid siya sa Cavite.
Tinanggihan ni Rita ang offer, ngunit nakumbinsi rin siya na magpahatid sapagkat tila tumino na mula sa kalasingan si Archie.
Nang sila ay papunta na sa Cavite, napansin ni Rita na hinahaplos ng driver ang kanyang leeg at balikat at ito ay kanyang iniwasan.
Ngunit pagdating sa bahay, pinuwersa umanong halikan ni Archie si Rita na pinalagan naman ng huli.
“This did not deter respondent (Alemania). Instead, he grabbed my head, locked it in his grip and gave me a torrid kiss on the lips with his tongue out, trying to put it inside my mouth,” ayon sa affidavit ng dalaga.
Dagdag ni Rita sa kanyang testimonya: “Feeling sexually violated, I pushed the respondent with all my strength while shouting at him to stop. I struggled multiple times, but he continue brushing his lips against mine against my will.”
Ayon sa nagrereklamo, nang sumunod na araw, humingi ng tawad si Archie at sinisi ang kalasingan sa kanyang ipinakitang pag-uugali.
Ini-report ni Daniela ang insidente sa GMA management. Hiniling niya na tanggalin na ang co-star sa kanilang TV drama.