top of page
Screenshot_2024-09-08_193102-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220233-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220244-removebg-preview.png
  • Facebook
  • X
  • Instagram

ENTERTAINMENT / SPORTS

Kathryn, Eugene, Donny mga bagong hurado ng Pilipinas Got Talent

PHOTO COURTESY OF ABS-CBN News

2/26/25, 7:57 AM

Magbabalik ang "Pilipinas Got Talent" (PGT) para sa ikapitong season nito ngayong Marso, kasama ang bagong hanay ng mga hurado at host.

Makakasama ng mainstay na hurado na si Freddie M. Garcia, dating Pangulo ng ABS-CBN, sina Kathryn Bernardo, Donny Pangilinan, at Eugene Domingo sa panel ng hit reality talent competition.

Si Robi Domingo at Melai Cantiveros-Francisco naman ang magho-host ng programa. Ang twist, may kapangyarihan na rin sina Robi at Melai na mamili ng kanilang Golden Buzzer act.

Ibinahagi ni Eugene ang kumpiyansa niya sa magiging chemistry nila bilang mga hurado.

Aniya, napapabilang sila sa iba't ibang henerasyon na makakatulong upang matuklasan nila ang pinakamahuhusay na acts sa bansa.

"FMG is the authority. I add the fun. Kathryn is the heart. And Donny represents the young generation," ani Uge.

Ayon kay Kathryn, ang pagiging hurado sa PGT ay "refreshing break" matapos ang kanyang huling proyekto na "Hello, Love, Again" kasama si Alden Richards.

"This is another first for me, and I want to experience it. I think it’s a good breaker after doing ‘Hello Love Again’ and before I start with a new project," anang aktres.

Si Donny, na siyang pinakabata sa apat, ay excited namang matuto nang husto sa karanasang ito na pinangarap daw niya.

Noong nakaraang dalawang season, sina Vice Ganda, Angel Locsin, at Robin Padilla ang kasama ni FMG bilang mga hurado.

"It feels so good because it's been so long. I'm so excited kasi baka ngayon ko makita 'yung talent na hinahanap ko," sabi ni FMG.

Sa mga naunang season ng PGT, itinanghal na kampeon ang yumaong Jovit Baldivino, Marcelito Pomoy, Maasinhon Trio, Roel Manlangit, Power Duo, at Kristel de Catalina. #

bottom of page