top of page
Screenshot_2024-09-08_193102-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220233-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220244-removebg-preview.png
  • Facebook
  • X
  • Instagram

ENTERTAINMENT / SPORTS

Kevin Costner, 69, na-maritess sa 30-anyos abogada matapos ang diborsyo at “Yellowstone” exit

Filipina artistic swimmer Georgia Francesca Carmina Sanchez Tan (center). (Photo from the Philippine News Agency)

11/13/24, 1:19 PM

Nakitang nagdiwang ng husto ang beterano ngunit sikat pa ring Hollywood actor na si Kevin Costner matapos ang diborsiyo sa dating asawang si Christine Baumgartner at sorpresang pagkatanggal sa series na “Yellowstone.”

Kasama sa New York City party na dinaluhan ni Kevin, 69, ang 30-anyos na babaeng atleta at assistant district attorney na si Rainy Castañeda.

Sa isang litrato, nakitang katabi ni Costner si Rainy kasama ang ilang mga kaibigan.

Agad umugong ang balita at tila inuugnay ng seryosohan ang dalawa bagamat wala naman nakaka-alam kung mayroon na ngang KevRain romance na nangyayari.

Hindi rin malaman ng mga Hollywood maritess kung kelan nagkakilala ang dalawa bago mabuking noong Lunes (Nobyembre 11) sa party.

Kinilatis ng mga writers si Castañeda sa kanyang LinkedIn account kung saan nalaman na siya ay produkto ng Texas A&M University School of Law. Siya ay kasalukuyang assistant DA sa New York City.

Ayon din sa impormasyong nakalap, si Rainy ay isang long-distance runner na patuloy pa umano niyang ginagawa.

Ang party na dinaluhan nila ay sa isang pribadong tahanan na hosted ng publisher na si Jason Binn.

Kamakailan lamang ay tinapos nina Costner at ng dating asawang si Barmgartner ang relasyon matapos ang 20 taon na pagsasama bilang magasawa.

Matapos ang diborsyo um-exit na rin si Costner sa hit series na Yellowstone na matagal na niyang ginampanan. Sa Nobyembre 10 episode pa lamang ipapalabas ang naging kapalaran ni Costner bilang si John Dutton.

bottom of page