top of page
Screenshot_2024-09-08_193102-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220233-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220244-removebg-preview.png
  • Facebook
  • X
  • Instagram

ENTERTAINMENT / SPORTS

Kilalanin: Mga artistang naging military reservists

Filipina artistic swimmer Georgia Francesca Carmina Sanchez Tan (center). (Photo from the Philippine News Agency)

10/28/24, 3:19 AM

Ilang celebrity na ang nagpa-enlist upang maging military reservists, na nagbibigay-inspirasyon sa publiko na makiisa sa mga inisyatibong pangseguridad at pangkapayapaan.

Nagsisilbi rin silang mabubuting halimbawa ng pagmamahal sa bayan at pagtulong sa kapwa sa panahon ng pangangailangan.

Narito ang ilan sa mga artistang military reservists.

Charo Santos-Concio

Kamakailan lamang ay inanunsyo ng beteranang aktres at dating ABS-CBN CEO Charo Santos-Concio na nagtapos siya sa Philippine Air Force reservist training.

Aniya, nahanap niya ang "deeper sense of purpose" sa karanasang ito.

Hinikayat din ni Charo, 68-taong-gulang, ang kanyang mga tagasuporta na harapin ang kanilang mga takot at patuloy na paunlarin ang kanilang mga sarili.

Dingdong Dantes

Nagsisilbi si Kapuso star Dingdong Dantes bilang Lieutenant Commander ng Philippine Navy simula pa noong 2006.

Gerald Anderson

Nagpa-enlist din si Kapamilya actor Gerald Anderson sa Philippine Army.

Naging ganap siyang reservist matapos ang short military training course sa Camp Tecson sa San Miguel, Bulacan.

Makailang ulit din na nag-viral ang mga larawan ni Gerald sa pagtulong sa rescue operations ng uniformed personnel tuwing bagyo.

Matteo Guidicelli

May ranggong second lieutenant sa Philippine Army ang aktor na si Matteo Guidicelli matapos aprubahan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang commissionship noong 2019.

Gumawa rin siya ng kasaysayan bilang celebrity reservist na dumalo sa VIP Protection Course ng Presidential Security Group (PSG) noong 2022 sa Malacañang.

Arci Muñoz

Isang sergeant naman sa Philippine Air Force Reserve (PAFR) Command ang aktres na si Arci Muñoz.

Aktibo siyang nakikilahok sa mga aktibidad ng militar, kabilang ang mga medical missions at relief operations.

Rocco Nacino

Ang GMA-7 actor na si Rocco Nacino ay 2nd Lt. Nurse Corps ng Armed Forces of the Philippines.

Ronnie Liang

Isa sa mga kilalang celebrity reservists ang singer-actor na si Ronnie Liang.

Na-promote siya bilang first lieutenant ng Philippine Army Reserve noong 2022.

Geneva Cruz

Si Geneva Cruz ay proud member ng Philippine Air Force Reserve Command.

Nakuha niya ang ranggong Sergeant pagkatapos ng Special Basic Citizen Military Training sa Philippine Air Force noong 2022.

Winwyn Marquez

Nag-enlist din bilang reservist sa Philippine Navy si Kapuso star at 2017 Reina Hispanoamericana Winwyn Marquez.

Beatrice Luigi Gomez

Si Miss Universe Philippines 2021 Beatrice Luigi Gomez ay bahagi ng Philippine Navy Reserve Unit.

Enzo Pineda

Nag-enlist sa Philippine Navy Reserve Command ang aktor na si Enzo Pineda na may ranggong Staff Sergeant.

JM de Guzman

Philippine Air Force reservist din ang aktor na si JM de Guzman.

Matapos ang training noong 2020, nakilahok si JM sa pamamahagi ng mga relief goods habang nag-training siya nang tumama ang Covid-19 pandemic sa bansa.

Kiko Estrada

Nag-sign up din upang maging reservist sa ilalim ng Philippine Air Force ang aktor na si Kiko Estrada.

bottom of page