top of page
Screenshot_2024-09-08_193102-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220233-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220244-removebg-preview.png
  • Facebook
  • X
  • Instagram

ENTERTAINMENT / SPORTS

Korean actress Kim Sae Ron nag-suicide? Career bumulusok dahil sa drunk driving crash

PHOTO COURTESY OF ABS-CBN News

2/18/25, 8:08 AM

Ni Nini Mar

Suicide, ayon sa mga international news agencies, ang dahilan ng pagkamatay ng South Korean actress na si Kim Sae Ron.

Ayon sa report ng The New York Times, Yonhap News Agency at The Korea Times hindi nakitaan ng ebidensya ng foul play ang biglang pagpanaw ni Kim sa edad na 24.

Binanggit ng Korea Times sa follow-up news trahedya na wala rin senyales na may forced entry sa kuwarto ni Kim kung saan siya natagpuang patay na.

Patay na sa kanyang kwarto si Kim nang matagpuan ng mga kaanak noong Linggo (Peb. 16) ng hapon.

“We believe she made an extreme choide and plan to handle it as a suicide,” pahayag ng isang opisyal ng pulis sa mga peryodista.

Ayon sa Korea Times, wala rin nakitang suicide note sa pinangyarihan ng trahedya.

Naging popular si Kim sa kanyang bayan ngunit bigla itong nawala sa limelight nang matago matapos na ma-aksidente sa isang drunken-driving crash.

Starring role siya sa hit na Netflix series “Bloodhounds” na ipinalabas noong 2023.

Nagsimula siyang mag-artista sa edad na 9 at tumuloy-tuloy ang pagsikat niya matapos gawin ang ma pelikulang “The Man from Nowhere” noon 2010 at “The Neighbor” noong 2012.
Naging mailap siya sa publiko simula Mayo 2022 matapos na sumalpok ang kanyang kotse sa isang electrical transformer box. Lasing siya nang mangyari ang aksidente.

bottom of page