top of page
Screenshot_2024-09-08_193102-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220233-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220244-removebg-preview.png
  • Facebook
  • X
  • Instagram

ENTERTAINMENT / SPORTS

Netizens patuloy na sumisimpatiya kay Marjorie; ngitngit sa pananakit na sinapit

4/15/25, 12:43 PM

Habang patungo sa six million views ang YouTube video ng interview ni Ogie Diaz kay Marjorie Baretto, pa-viral naman ang vlog ng dating maybahay ni Dennis Padilla na ipinalabas noong 2022.

Hindi nakapagtataka dahil sa nasabing six-minute video tungkol sa kanyang biyahe sa Boracay, lumabas na ang dahilan kung bakit nangailangan siya ng earplug habang nagbibigay ng inerview.

Matapos ang tatlong taon, lumalabas na ang pagkaka-sapak umano ni Dennis ang dahilan ng paglalagay niya ng earplug. Sa interview kay Ogie, nabanggit ni Marjorie na nabasag ang kanyang eardrum dahil sa lakas ng pagbanat sa kanya ni Dennis noong mag-asawa pa lamang ang dalawa.

Humaba ang drama ng pagsambit ng hinanakit ni Dennis nang tratuhin umano siya bilang isang bisita lamang sa kasal ng kanyang anak na si Claudia sa long-time partner na si Basti Lorenzo.

Napilitan si Marjorie na magsabi ng kanyang side sa istorya at dito niya sinambulat sa publiko ang hindi magandang karanasan nilang mag-iina sa padre de pamilya.

Dahil sa matapang na pagsasalaysay ni Marjorie, tila sa kanya naniwala ang mga netizens at nabaligtad ang simpatiya ng publiko mula kay Dennis patungo mag-iina.

Mula sa pagiging inaping bida, naging kontrabida si Dennis nang isambulat ni Marjorie na hindi siya naging mabuting ama at asawa sa pamilya.

Bukod umano sa hindi pagsusustento sa pamilya, ang isa sa pinakaikinagalit ng publiko ay ang kwentong sinapak ni Dennis si Marjorie.

“Nagla-lakad ako papasok sa kwarto from th back, he hit me so hard in my ear. Lumipad talaga ako kasi hindi ka nakailag e. Nawala ang eardrum ko,” paglalahad ni Marjorie.

Nakaroon ng damage ang eardrum ni Marjorie at ito ay inopera.

Marami man daw siyang pisikal na pananakit na inabot mula sa asawa, higit pang masakit ang mga salitang ibinabato nito tuwing sila ay nagtatalo.

bottom of page