top of page
Screenshot_2024-09-08_193102-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220233-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220244-removebg-preview.png
  • Facebook
  • X
  • Instagram

ENTERTAINMENT / SPORTS

Pagdalo ni Boss Toyo sa SONA 2024 kinwestyon ng netizens

Photo from GMA

7/23/24, 5:22 AM

Umalma ang ibang netizens sa pagdalo ni content creator Boss Toyo, o Jayson Luzadas sa totoong buhay, sa ikatlong State of the Nation Address ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. nitong Lunes.

Palaisipan sa ilan kung paano nagkaroon ng passes ang vlogger na nakilala sa YouTube channel na "Pinoy Pawnstars" na rumampa pa sa red carpet ng Batasang Pambansa.

Madalas kasing politiko, foreign dignitaries, at iba pang high-profile na bisita lamang ang dumadalo sa taunang SONA.

Sabi ng BAYAN MUNA partylist sa Facebook, "Vloggers event yan? Sinasayang ng gobyerno ang pera ng taumbayan, P20 million pesos ginastos tapos kung sino-sino na walang kinalaman sa paggawa ng batas at polisiya ang nandyan."

"Pati SONA, hindi niyo pinatawad? Ang SONA ay naka-address dapat sa taumbayan pero parang ginagawa niyong Met Gala Ball?" tanong naman ng isang netizen.

"Nothing against whatever he does in his platform but SONA is funded by our taxes, anong gagawin nya dyan?" sabi ng isa pa.

"Ah kasama pala sa 20M na budget," dagdag ng isang commenter.

Suot ni Luzadas ang may burdang Barong Tagalog na likha ng hindi niya pinangalanang Filipino designer.

Sa kanyang Facebook account, nagbahagi ng larawan si Luzadas habang nasa plenary hall ng Batasang Pambansa na animo'y pagresbak niya sa mga kritiko.

Nagtataka raw siya kung bakit may mga taong nagkukwestiyon sa kanyang pagdalo sa SONA.

"Bakit bawal po ba ang isang content creator dito?" sabi niya sa Faecbook post.

"Bawal po ba ang isang tulad ko dito? Bawal ba dahil hindi ako politiko? Bawal ba dahil 'di mataas ang antas ko sa lipunan. Masyado kayong nanghahamak ng tao," saad niya pa.

Nais lang naman daw niyang marinig ang sasabihin ng Pangulo sa kanyang SONA.

Matatandaang naka-stream sa telebisyon at social media pages ng pamahalaan ang SONA ng pangulo, na tumagal ng higit isang oras.

Sabi ni Boss Toyo: "Wala ako nakikitang masama kung andito ako or kahit sinong tao andito. Pilipino ako at may paki ako sa bayan ko."

bottom of page