ENTERTAINMENT / SPORTS
Pepsi Paloma Story nanganganib hindi maipalabas: Alamin kung bakit?
1/25/25, 6:35 AM
Nakumpleto na ng kontrobersyal direcktor Darryl Yap ang pinag-uusapang Pepsi Paloma Story ngunit ngayon pa lamang ay nahihirapan nang ibenta ang pelikula dahil sa pag-ayaw ng mga distributors.
Ipapasailalim na ang finished product sa pagsusuri ng Movie and Television Review and Classification Board na pinangungunahan ng pamangkin ni bossing Vic Sotto , si Chairperson Diorella Sotto-Antonio.
Idinemanda kamakailan ni bossing si Yap sa 19 na kasong cyberlibel dahil sa umano’y mapanirang-puring teaser ng nasabing pelikula tungkol sa pang-aabuso kay Pepsi Paloma noong 1980’s.
Si Paloma ay isang starlet na kasama sa mga sumikat ng softdrinks beauties noon. Inasunto niya ng rape si Vic Sotto, kasama ang mga komedyanteng si Joey De Leon at ang pumanaw nang si Ritchie D’Horsie.
Ayon sa mga court records hindi na itinuloy ang demanda ni Paloma dahil sa umanong out-of-court settlement. Sinasabing an kaso ang nagdulot sa kanya ng matinding depresyon na naging dahilan umano ng kanyang pagpapatiwakal.
Dahil sa kontrobersiya, maraming distributor na dating sabik sa pelikula ang umayaw na
Ang cyberlibel cases at ang pagbitiw ng mga distributor ay lubhang ikinalungkot ni Yap.
Dagdag pa sa problema niya ang magiging desisyon ng MTRCB sa pag-rating ng kanyang palabas.
Sakaling bigyan ng “x” rating, hindi na maipalalabas ang pelikula at malulugi na lamang ang mga producer.