top of page
Screenshot_2024-09-08_193102-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220233-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220244-removebg-preview.png
  • Facebook
  • X
  • Instagram

ENTERTAINMENT / SPORTS

Pepsi Paloma teaser video pinagbawal ng korte; Pauleen Luna nagbunyi

1/27/25, 1:48 PM

Ni Samantha Faith Flores

“We won!!!”

Ito ang masayang reaksyon ni Pauleen Luna-Sotto, asawa ni Vic Sotto, sa direktiba ng Regional Trial Court ng Muntinlupa City na ipa-take down ang teaser ng Pepsi Paloma Rape Story noong Lunes (Jan. 27)

Gayunpaman, pinahintulutan ni Judge LIezel Aquiatan ng RTC Branch 205 si direktor Darryl Yap ang pag-shooting ng pelikula ng “The Rapists of Pepsi Paloma.”

Sa kanyang Instagram post, ipinagpasalamat ng dating host ng Eat Bulaga ang tagumpay na tinamo ng asawa sa korte nang ipakiusap nito na ipagbawal sa social media ang teaser na lubhang nakasira sa kanyang pagkatao.

Naging kontrobersyal ang nasabing teaser kung saan inakusahan si Sotto na ng rape ni Pepsi noong 1982. Kasama sa mga nasampahan ng kaso sina Joey de Leon at namatay nang si Ritchie D’Horsie.

Pumanaw na rin si Pepsi na nagpatiwakal tatlong taon makaraan ipagsantabi na ang kaso dahil sa out of court settlement ng mga partido.

“We give thanks to the Lord for this court decision. The results are in and the outcome is in our favor, confirming that the material released was malicious in nature. We won!” sinabi ni Pauleen sa post.

Ayon sa kanya ang tagumpay ay para sa kanyang dalawang anak at pamilya.

Sa desisyon ng korte, inuutos nito kay Darryl Yap, direktor ng nasabing pelikula, na i- “delete, take down and remove the 26 second teaser video from onliine platforms, social media or any other medium.”

Ayon sa korte mali ang pagkakagamit ng data o impormasyon sa nasabing teaser sapagkat ipinakita ang usapan ng dalawang indibidwal na pareho nang patay kung kaya’t hindi malilinawan kung tunay nga nangyari ito.

Sinampahan ni Sotto ng cyberlibel si Yap na hihingan rin niya ng danyos na PHP34 milyon sakaling katigan ang kanyang kriminal na kaso laban sa huli.

Sa teaser, ipinakita ang umano’y pag-uusap ng gumanap kay Charito Solis at Pepsi Paloma kung saan tinanong ng una kung may katotohanan ang paratang na ginahasa siya ni Sotto. Umamin si Pepsi sa katanungan.

bottom of page