ENTERTAINMENT / SPORTS
Sanhi ng pagkamatay ni “Tarzan” isinapubliko
Filipina artistic swimmer Georgia Francesca Carmina Sanchez Tan (center). (Photo from the Philippine News Agency)
11/25/24, 10:04 AM
Ipinaalam na sa publiko ang sanhi ng pagkamatay ni Ron Ely, ang gumanap na “Tarzan” noong dekada 1960’s.
Ayon sa death certificate na ipinadala sa TMZ, ang sikat na Tarzan character ay namatay dahil sa “end-stage heart disease” noong Setyembre 29 sa edad na 86.
Ang sakit na ito ay kinikilala ng mga doktor bilang pinakamalubhang klase ng sakit sa puso. Ito ay nangyayari kapag ang puso ay hirap nang bumomba ng dugo.
Umaabot lang mula anim hanggang na buwan ang buhay ng mga indibidwal na may karamdamang ganito.
Sang-ayon sa bilin ni Ely sa pamilya, ipina-cremate na ang kanyang mga labi ilang araw matapos ang kanyang pagpanaw sa Los Alamos, California.
Nagpalabas ng anunsyo ang kanyang anak na si Kirsten sa INstagram noong Oktubre 23.
“The world has lost one of the greatst men it has evern known - and I have lost my dad,” ayon kayKirsten.
Dagdag niya: “My father was someone that people called a hero. He was an actor, writer, coach, mentor family man and leader. He created apowerful wave of positive influence wherever he went.”
Ipinanganak sa Texas, si Ely ang gumanap na Tarzan sa television series ng NBC noong 1960s.
Bagamat hindi kasing-sikat ni Johnny Weismuller na isang Olumpic swimmer noong 1930-40’s, kinilala pa rin si Ely bilang superstar Tarzan sa telebisyon.
Ilan beses din naging host ng Miss America pageant si Ely at dito niya nakilala ang napangasawa na si Valerie Lundeen na lumaban sa paligsahan ng kagandahan bilang Miss Florida.
Puanaw si Valerie noong 2019 nang saksakin siya sa kanilang tahanan ng sariling anak na si Cameron Ely.
Binaril at napatay naman ng mga rumespondeng pulis si Cameron nong araw ding saksakin nito ang ina.
Nag=protesta si Ely sa pamamaril sa anak na wala umanong sandata noong mapatay.