top of page
Screenshot_2024-09-08_193102-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220233-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220244-removebg-preview.png
  • Facebook
  • X
  • Instagram

ENTERTAINMENT / SPORTS

Sexbomb dancer Sugar Mercado pitong taon naka-relasyon ni Willie Revillame?

3/29/25, 8:52 AM


Posibleng totoo ang mga ispekulasyon na nililigawan ni television host Willie Revillame ang mga babaeng nakakasama bilang co-host sa kanyang mga programa.

Ito ay matapos na kumpirmahin ni Sugar Mercado na nagkaroon sila ng relasyon ni Revillame na umabot ng pitong taon.

Kapwa pinabulaanan ng dalawa ang romantikong pakikipagugnayan noong magkasama pa sila sa programang “Wowowin” na wala na sa ere sa ngayon.

Ngunit kinumpirma ni Sugar ito kamakailan lamang sa isang panayam ni Ogie Diaz.

Ayon sa kanya, pitong taon din tumagal ang kanilang relasyon at naging tanggap naman si Willie sa kanyang naunang dalawang anak.

Bagamat tila hindi masyadong seryoso ang pag-amin ng TV host na sumikat bilang kasapi ng Sexbomb Dancers, nagpahayag siya ng pangamba na posibleng pabulaanan ni Revillame ito.

Tila hindi rin siya sigurado kung “nag-bonding lang” o talagang nagmahalan silang dalawa noong mga panahon na sila.

Ayon sa kanya minahal niya ng husto si Revillame at mananatili ito sa kanyang puso.

Pati ang kanyang mga anak ay napalapit na rin kay Willie na marami na rin naka-relasyon sa loob at labas ng showbiz. Ang ilan sa mga ito ay nag-akusa naman sa kanya ng hindi tamang pagta-trato.

Ngunit sa mga pananalita ni Sugar, hindi nito nakitaan ng maling pag-uugali sa kanya si Willie.

bottom of page