ENTERTAINMENT / SPORTS
Taos-pusong hospitality ng mga Pinoy, kinilala sa Miss Universe pageant.
Filipina artistic swimmer Georgia Francesca Carmina Sanchez Tan (center). (Photo from the Philippine News Agency)
11/16/24, 5:04 AM
Ni Anna Mae B. Rosario
Hindi naranasan ni Miss Nicaragua Sheynnis Palacios ang mainit na salubong nang mga kababayan nang tanghalin siyang Miss Universe.
Ngunit napaluha ang pinakamagandang babae sa mundo nang mga Pilipino ang nagbigay sa kanya ng mainit at mapagmahal na pagsalubong nang bisitahin niya ang bansa noong Mayo.
Dahil sa ipinakitang hospitality at pagresepto kay Miss Universe, itinanghal ang Pilipinas bilang “Best Host Tour Country” ng ginaganap na international beauty pageant.
Si Miss Bahrain Shereen Ahmed naman ay tumangggap din pagkilala bilang isa sa mga “silver finalists” sa “Voice for Change” initiative. Si Shereen ay may dugong Filipino
Si reigning Miss Universe Sheynnis Palacios ang nag-rekomenda na ibigay ang rekognisyon sa Pilipinas base na rin sa kanyang naging karanasa nang bisitahin niya ang bansa sa pag-iikot niya sa buong mundo.
Dahil sa rekomendasyon ni Palacios, itinanghal ng Miss Universe Organization na best host tour country ang Pilipinas.
Si Jonas Gaffud, pangulo ng Miss Universe Philippines, ang tumanggap ng award noong ganapin ang national costume show at preliminary competition sa Arena CDMX sa Mexico City, Mexico noong Biyernes (Nobyembre 15).
“True to our famed Filipino hospitality, the PHilippins was awarded Best Host tour Country by the MUO… unexpected yet welcome feather in the cap of the organization that rolled out the red carpet and led the most touching and heartwarming welcome for (Miss Palacios” during her visit to the Philippines,” sinabi ng MUPH sa isang social media post.
Binisita ni Palacios ang Pilipinas noon Mayo, kasama ang MUO officers na sina Olivia Quido-Co at Mario Bucaro. Nagkaroon ng homecoming parade para sa kanya.
Ayon sa report napaluha sa galak ang Miss Universe sa mainit na pagsalubong sa kanya at nang makita niya ang bandera ng kanyang NIcaragua habang iwinawagayway ng maraming Filipino na dumalo sa event.