top of page
Screenshot_2024-09-08_193102-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220233-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220244-removebg-preview.png
  • Facebook
  • X
  • Instagram

ENTERTAINMENT / SPORTS

Tatlong lalaki kinasuhan sa pagkamatay ni Liam Payne ng One Direction

Filipina artistic swimmer Georgia Francesca Carmina Sanchez Tan (center). (Photo from the Philippine News Agency)

11/8/24, 9:51 AM

BUENOS AIRES, Argentina - Tatlong tao, kasama ang empleyado ng isang hotel sa Buenos Aires, Argentina ang sinampahan ng kasong kriminal kaugnay sa pagkamatay ni One Direction singer Liam Payne.

Napag-alaman ito habang pinaghahandaan na ang libing ng sikat na bokalista na gaganapin sa kanyang hometown sa Wolverhampton, England. Dumating na sa Heathrow Airport ang kanyang mga labi na kinuha ng amang si Geoff Payne mula sa Argentina..

Lumalabas na imbestigasyon ng pulisya ng Buenos Aires na hindi suicide, ngunit pagkalango sa droga ang sanhi ng pagkamatay ng 31-anyos na British singer noong Oktubre 16.

Nahulog si Payne mula sa ikatlong palapag na balkonahe ng Casa Sur Palermo Hotel.

Matapos ang higit sa tatlong linggong imbestigasyon, naging konklusyon ng mga imbestigador na hindi suicide ang sanhi ng kanyang pagkamatay.

Siya umano ay nasa state of “noticeable decrease or loss of consciousness” nang mahulog.

Lumalabas sa toxicology reports na may cocaine, alcohol at niresetang anti-depressant sa katawan ng biktima at ito ang nagsanhi ng “impaired mental and physical state.”

Ayon din sa imbestigasyon tatlong tao ang dapat sisihin sa nangyari. Sila ay kinasuhang ng “abandonment of a person followed by death” at supply and facilitation of narcotics.”

Isa sa mga kinasuhan ay matalik na kaibigan ni Payne.

Ang isa naman ay empleyado ng hotel na nag-supply umano ng cocaine at ang ikatlo ay nagbigay din ng droga.

Ayon sa report, posibleng makulong hanggang 15 taon ang mga akusado sakaling mapatunayang nagkasala.

bottom of page