top of page
Screenshot_2024-09-08_193102-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220233-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220244-removebg-preview.png
  • Facebook
  • X
  • Instagram

ENTERTAINMENT / SPORTS

Year-end roundup: Pinakamalalaking showbiz balita ng 2024

12/19/24, 2:38 AM

Bago matapos ang 2024, balikan natin ang mga pinakamainit na balita at kontrobersiya na yumanig sa mundo ng showbiz.

Mula sa mga nakakagulat na hiwalayan at kamatayan, viral na isyu, at tagumpay ng mga bituin, naging makulay at puno ng emosyon ang taong ito para sa industriya.

Narito ang mga kwenton0
Hiwalayang Bea Alonzo at Dominic Roque

Nagulantang ang mga Marites sa paghihiwalay ng ilang celebrity couples tulad nina Bea Alonzo at Dominic Roque.

Usap-usapan noon na hindi na matutuloy ang engagement nina Bea at Dominic. Lalo pang umugong ang chika nang sabihin ni Tito Boy sa programa niyang "Fast Talk with Boy Abunda" na ibinalik ni Bea ang engagement ring kay Dominic.

Matapos nito ay kinumpirma ng dalawa na winakasan na nila ang kanilang engagement.

"Unfortunately, some confirmed our breakup without our consent, and some created ridiculous stories that had no basis and were utterly false, so we felt the need to share this announcement with great sadness, for our peace of mind and our families," sabi nina Bea at Dominic.

Binigyang-diin din nila na maayos ang kanilang paghihiwalay.

Nagsimulang mag-date ang dating magkasintahan noong 2021 at na-engage noong 2023.

Maris Racal-Anthony Jennings cheating scandal

Bumulaga sa publiko ang screenshots na umano'y nagpapakita ng pagtataksil ni Anthony Jennings sa kanyang ex-girlfriend na si Jam Villanueva.

Ibinahagi ni Jam sa social media ang screenshots ng mga pag-uusap umano nina Anthony at Maris Racal habang nasa relasyon pa sila.

Binura niya rin ito, ngunit nai-reshare na ng mga Marites at naging meme pa.

Di kalaunan ay lumabas ang ekslusibong panayam ni Maris sa ABS-CBN na humihingi ng paumanhin, subalit sinabi niyang sa gitna ng relasyon nila ni Anthony ay hindi niya alam na magkarelasyon pa rin ang aktor at si Jam.

Samantala, isang maikling pahayag naman ang sagot ni Anthony. Humingi rin siya ng paumanhin sa dalawang babae.

Tampuhan ng mga Yulo

Matapos magwagi ng dalawang gintong medalya sa 2024 Paris Olympics, naintriga naman sina Carlos Yulo at ina nitong si Angelica dahil sa pera.

Dahil dito, nagsalita si Yulo at sinabing hindi raw niya alam na ginamit ng kanyang pamilya ang mga napanalunan niya sa 2022 World Championships kung saan nanalo siya ng dalawang medalya.

Ibinahagi rin ng atleta na lalong lumala ang relasyon nila ng kanyang ina dahil sa hindi nito pagkatanggap sa kanyang nobya, ang influencer na si Chloe San Jose.

Kamakailan, nagsalita si Angelica sa isang panayam sa Bombo Radyo tungkol sa mga desisyon niyang pinansyal para sa anak. Sinabi niyang ang kanyang mga withdrawal ay para umano sa proteksyon ng kinabukasan ng kanyang anak.

Inamin din ng ina ni Yulo na hindi niya gusto si Chloe para sa kanyang anak.

Samantala, sinabi ni Yulo na napatawad na niya ang kanyang ina.

Pagpanaw nina Liam Payne at Jaclyn Jose

Noong Oktubre, ikinagulat ng mundo ang pagpanaw ng dating One Direction member na si Liam Payne sa edad na 31 matapos mahulog sa balkonahe ng isang hotel sa Buenos Aires, Argentina.

Samantala, noong Marso, pumanaw ang beteranang aktres na si Jaclyn Jose, 60, dahil sa heart attack.

Si Jaclyn ay kinilala sa kanyang award-winning performance sa pelikulang Ma’ Rosa, na nagbigay sa kanya ng Best Actress award sa Cannes Film Festival noong 2016.

Ang kanyang talento at dedikasyon ay nag-iwan ng hindi matatawarang pamana sa industriya ng pelikula at telebisyon.

Sandro Muhlach at GMA Gala

Noong Agosto, nagsampa ng reklamo si Sandro Muhlach laban kina Jojo Nones at Richard Cruz, independent contractors ng GMA Network, dahil sa umano’y sexual abuse matapos ang GMA Gala noong Hulyo 20.

Tinanggihan nina Nones at Cruz ang mga paratang.

Kalaunan ay nagsampa ng criminal cases laban sa kanila ang Department of Justice noong Oktubre.

Ang mga kaso ay isinampa sa isang korte sa Pasay City.

Ayon sa state prosecutors, lahat ng elemento ng sexual assault at acts of lasciviousness ay naroroon sa naturang kaso.

Shaira Moro vs. Australian singer Lenka

Pansamantalang tinanggal sa streaming platforms ang kantang "Selos" ni rising Filipino singer na si Shaira Moro.

Ito ay matapos siyang akusahan ni Australian singer Lenka ng panggagaya sa melodiya ng kanyang kantang "Trouble Is a Friend."

Makalipas ang ilang linggo, ibinalik ang kanta matapos ang maayos na pag-uusap sa pagitan ng kampo nina Shaira at Lenka.

Hiwalayan nina Ai-Ai Delas Alas at Gerald Sibayan

Emosyonal na kinumpirma ni Ai-Ai Delas Alas noong Nobyembre na hiwalay na sila ng kanyang asawang si Gerald Sibayan.

"Hiwalay na kami. Last month pa. Basta hindi ko makakalimutan. October 14, nag-chat siya, madaling araw sa Pilipinas. Gusto niya magkaanak at hindi na siya happy," ani Ai-Ai sa panayam kay Boy Abunda.

Sinubukan umano nilang magkaroon ng anak sa pamamagitan ng IVF, ngunit hindi naging matagumpay ang proseso na labis umanong dinamdam ni Gerald.

Tagumpay ni Sofronio Vasquez sa 'The Voice US'

Gumawa ng kasaysayan si Sofronio Vasquez bilang unang Asyano na nagkampeon sa The Voice US Season 26.

Inawit ni Sofronio ang “Unstoppable” ni Sia at “A Million Dreams” mula sa The Greatest Showman sa grand finals ng kompetisyon.

Four-chair turner din siya sa blind audition ng kompetisyon matapos niyang kantahin ang "I’m Goin’ Down" ni Mary J. Blige at pinili niyang maging coach si Michael Bublé.

bottom of page