top of page
Screenshot_2024-09-08_193102-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220233-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220244-removebg-preview.png
  • Facebook
  • X
  • Instagram

SCIENCE AND MEDICINE

Asteroid na kasinglaki ng football field, posibleng tumama sa mundo sa 2032?

2/27/25, 11:25 AM

Isang asteroid na kasinglaki ng football field ang maaaring tumama sa mundo sa taong 2032, ayon sa European Space Agency (ESA).

Noong nakaraang linggo, naiulat na ang posibilidad na tumama ang asteroid sa mundo ay nasa 3.1% ayon sa NASA at nasa 2.8% ayon sa ESA, dahilan para patuloy itong bantayan ng mga eksperto.

Pero batay sa mga obserbasyon mula sa iba't ibang telescope sa buong mundo, unti-unting bumaba ang posibilidad ng direktang pagtama nito sa mundo.

Ayon sa ESA, nasa 0.001% na lang ang tsansa na tatama ang asteroid na binansagang 2024 YR4 sa ating planeta.

Tinatayang 40-90 meters (130 to 300 feet) wide ang laki nito, na ayon sa mga eskperto ay maaaring magwasak ng isang syudad.

Natuklasan ito noon pang Disyembre 22, 2032.

Patuloy pa ring magmo-monitor ang space agencies tulad ng ESA na gagamit ng James Webb Space Telescope upang matiyak ang movement ng asteroid. #

Comments

Comparte lo que piensasSé el primero en escribir un comentario.
bottom of page