top of page
Screenshot_2024-09-08_193102-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220233-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220244-removebg-preview.png
  • Facebook
  • X
  • Instagram

SCIENCE AND MEDICINE

Init titindi pa sa Biyernes Santo, ayon sa PAGASA

4/15/25, 7:00 AM

BUNSOD ng mainit na panahon, nagbabala ang Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Service Administration (PAGASA) na posibleng maranasan ang mas mainit na heat index sa Biyernes Santo (Abril 18, 2025) na maaring umabot sa 42 hanggang 45 degrees centigrade.

Ayon kay PAGASA weather specialist Joey Figuracion, posibleng umabot sa 45° C ang heat index kapag nagpatuloy ang maalingsangang panahon mula ngayong Martes.

Sa ginanap na Quezon City Journalist Incorporated (QCJI) media forum, pinaluwanag ni Figuracion na dahil sa maalingsangang panahon posibleng umabot 45° C ang heat index.

"Generally ang panahon natin ay maalinsangan, tirik ang araw at walang ulan," pinunto nito.

Ayon pa sa weather specialist, ang panahon natin ngayon ay maalingsangan up to the danger level kaya ipinapayo sa publiko na gumamit ng pananggalang sa araw kapag lumabas ng bahay, tulad ng payong o sumbrero upang maprotektahan ang sarili sa matinding init.

Ni Tracy Cabrera

PAGASA weather specialist Joey Figuracion. (Larawan mula sa Facebook)

Comments

Dela dina tankarVar först med att kommentera.
bottom of page