top of page
Screenshot_2024-09-08_193102-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220233-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220244-removebg-preview.png
  • Facebook
  • X
  • Instagram

FAITH AND RELIGION

Modernong electric popemobile iniregalo ng Mercedes Benz kay Pope Francis

12/5/24, 9:27 AM

Ni Ralph Cedric Rosario

Environment friendly at naglalaman ng makabagong teknolohiya ang bagong popemobile na iniregalo nitong Miyerkules (Disyembre 4) kay Pope Francis ng bantog na car manufacturer na Mercedes Benz.

Ibinigay sa Papa ng Germany-based na gumagawa ng luxury vehicle ang electric popemobile na isang bagong convertible, electric G-Class. Regalo ito sa lider ng simbahang Katoliko para sa Jubilee of 2025.

Walang katulad ang bagong modelong popemobile na may plakang SCV 1 (State of Vatican City), ayon kay Mercedes Benz CEO Ola Kallenius.

Ayon kay Kallenius lubos na ikinararangal ng kanilang kumpanya ang pagregalo sa papa ng bagong pope mobile.

Malaking bagay para sa Mercedes Benz ang pagbibigay halaga sa mga pangangailangan ng Holy Father, ayon kay Kallenius.

Lulan ng Mercedes Bere popemobile ang papa sa pagbati niya sa mga pilgrims sa St. Peter’s Square sa okasyon ng Jubilee Year sa darating na taon.

Sa simpleng seremonya nang ibigay ang bagong popemobile, naroon din ang lahat ng mga Mercedes Benz crew na nagtulong-tulong upang buuin ang walang katulad na popemobile.

May 100 taon na rin nagreregalo ang Mercedes Benz sa Vatican ng popemobile. Ang kaunaunahan ay ipinagkaloob ng kumpanya kay Pope Pius XI noon 1930.

Mga dalubhasa sa paggawa ng luxury vehicle at nagmula pa sa iba’t-ibang lugar ang nagtulong-tulong buuin ang popemobile na inayon nila sa pangangailangan ng papa.

Pinakamahalaga sa lahat ay ang masigurong zero emission ang sasakyan sapagkat nagbabalak ang Vatican na baguhin na ang mga sasakyang ng Vatican pagdating ng 1930 bilang pagsunod sa regulasyon laban sa pollution.

Comments

Deine Meinung teilenJetzt den ersten Kommentar verfassen.
bottom of page