top of page
Screenshot_2024-09-08_193102-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220233-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220244-removebg-preview.png
  • Facebook
  • X
  • Instagram

SENIOR CARE

79-anyos na magsasaka nagtapos ng master's degree

1/21/25, 8:06 AM

Kasabay ng college graduation ng kanyang apo, nagtapos din ng master's degree sa History ang isang 79-anyos na magsasaka sa Shivaji University sa Kolhapur, India.

Natanggap ni Vasant Singhan kamakailan ang kanyang bagong diploma matapos ang pagpupursiging palawakin ang kanyang kaalaman sa kasaysayan at Modi script, isang lumang paraan ng pagsulat na ginamit sa India mula ika-13 siglo hanggang ika-20 siglo.

At hindi pa natatapos dito ang plano ni Vasant dahil nais pa niyang kumuha ng doktorado at lalo pang pag-aralan ang Modi script.

"Education helps ideology grow. I look at everything differently. The hunger for knowledge made me pursue an MA in history, and I am carrying my research forward to become a PhD holder," ani Vasant sa isang panayam ng Times of India.

Mahalaga aniyang pag-aralan ang sistema ng pagsulat na ito at maging bahagi ng curriculum dahil ginamit ito sa paglilimbag ng mga lumang dokumento sa kanilang bansa.

Nahilig si Vasant sa Modi script sa nakalipas na dekada at nagsagawa pa ng workshops sa iba't ibang bahagi ng India upang ituro ito.

Bumilib sa kanya hindi lamang ang kanyang apo, kundi pati na rin ang ibang mag-aaral sa unibersidad.

Noong una'y tinatanong pa raw siya ng mga mag-aaral kung sinasamahan lang niya ang kanyang mga apo, ngunit sa kalaunan ay ikinatuwa nila ang kanyang kwento.

"I just want to learn, and there is no wrong age for that," sabi ni Vasant. "I studied at home and tried to understand the depth of the words and paragraphs. That helped me understand the concepts easily, even at this age."

Ipinanganak si Vasant noong Hunyo 3, 1945, dalawang taon bago lumaya ang India sa United Kingdom.

Nagtapos siya ng high school noong 1962 at nag-aral ng radio mechanic course. Kalaunan ay nagtayo siya ng sariling radio shop.

Proud naman sa kanya ang apong si Siddhi.

"My grandfather studies almost every day. Ahead of the exams, he used to study for three to four hours. His devotion to education and desire to acquire in-depth knowledge inspire me," saad nito.

Comments

Share Your ThoughtsBe the first to write a comment.
bottom of page