top of page
Screenshot_2024-09-08_193102-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220233-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220244-removebg-preview.png
  • Facebook
  • X
  • Instagram

SENIOR CARE

91-anyos na pangulo ng Cameroon kakandidatong muli para sa ika-8 termino?

1/7/25, 8:37 AM

Nangako si Pangulong Paul Biya ng Cameroon na haharapin niya ang mga matitinding pagsubok ng mga Cameroonian na tila pahiwatig ng kanyang muling pagkandidato sa pampanguluhang eleksyon sa ikawalong pagkakataon.

"We will, as in the past -- together -- turn these challenges into opportunities. Together, we will continue to move forward with determination, in security and peace," anang pangulo sa kanyang mensahe sa publiko noong New Year.

Tingin ng mga analyst, kumpirmasyon ito na muling tatakbo si Biya na magdiriwang ng kanyang ika-92 kaarawan sa susunod na buwan.

Gaganapin ang presidential at regional elections sa Oktubre at Disyembre at nananatiling si Biya ang tanging kandidato ng naghaharing partido na Cameroon People’s Democratic Movement.

"I call on all stakeholders to show proof of maturity and responsibility and to ensure that peace and stability prevail before, during, and after these elections," ani Biya.

Sinabi ng Archbishop ng Douala na si Mgr. Samuel Kleda sa Radio France Internationale na ang isa pang termino para kay Biya sa darating na eleksyon sa Oktubre 2025 ay "hindi makatotohanan."

Tinatayang nasa 7.8 milyong Cameroonian ang rehistradong botante at maaaring makilahok sa eleksyon.

Pinamunuan ni Biya ang Cameroon mula pa noong 1982, matapos magbitiw sa puwesto ang dating presidente na si Ahmadou Ahidjo.

Dr. Baowen Xue, lead author from UCL's Epidemiology and Health Department. (Photo from UCL Profiles)

Comments

Compartilhe sua opiniãoSeja o primeiro a escrever um comentário.
bottom of page