top of page
Screenshot_2024-09-08_193102-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220233-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220244-removebg-preview.png
  • Facebook
  • X
  • Instagram

SENIOR CARE

Bakit ang sampung breed ng mga asong ito ay hindi dapat alagaan ng senior citizens?

2/11/25, 7:22 AM

Ni Sophie F. Ropan

Ang pag-aalaga ng aso ay rekomendado ng maraming dog lovers at beterinaryo para sa mga senior citizens. Nakakalibang at nakakatulong sa pag-ehersisyo ang paglalakad ng aso, pagtuturo sa kanila ng mg tricks at ang pagmasid sa mga kinikilos nila. Sadya silang mapagmahal sa among tao at mahusay din na bantay laban sa peligro.
Ngunit dahil sa dapat pagtuunan ng maraming oras at lakas ang pagmamahal sa pet dog, hindi lahat ng breed ay maaaring maging ‘seniors best friend.” Ang pinakamagandang breed ng aso para sa mga nakatatanda ay iyong mga nagpapakita ng pagmamahal na walang ano mang kapalit o kondisyon mula sa amo.

Ayon sa mga eksperto marami nang naisagawang pag-aaral na bumubuti ang mood at mapag-alaga sa kalusugan ang mga senior citizens na nag-aalaga ng aso. Dapat lamang tamang breed ang alagaan upang makamit ang kaligayan nadarama sa pag-aalaga ng pet dog. Kung kaya kinakailangan maging mapili sa pag-ampon at pag-alaga ng breed ng aso upang maging matagumpay ang samahan nila ng boss na senior citizen.

Base sa mga nakalap na impormasyon ang mga sumusunod ang dapat iwasan ng nakatatanda na alagaan:

1 CHOWCHOW. Ang China-bred Chowchow ay may bigat na naglalaro mula 45 hanggang 70 pounds. Bagamat medium sized, malalakas ang breed na ito. Mabait at maamo rin sa nag-aalaga at mahilig mag-walking. Ang ‘bad’ lamang sa kanila ay ang kanilang pagiging moody, katigasan ng ulo at mataas na pangangailangan sa maintenance.

2. BLOODHOUND. Kilala sa talas ng pang-amoy, ang tila laging malungkot na itsura ng Bloodhoud ay matatalino rin. Mahilig silang maglaro kasama ang mga amo at madali rin naman i-train. Kailangan lamang maaga silang turuan. Maganda na sana silang maging alaga ng senior citizens ngunit ang kabigatan at laki nila ay maaaring maging problema pa. Umaabot mula 75 hanggang 100 pounds ang Bloodhound.


3. SIBERIAN HUSKY. Lumalaki hanggang sa 22-24 pulgada at hindi naman gaanong mabigat Palakaibigan, matapat at mahilig lumabas. Ngunit ang lebel ng pagiging aktibo at kakulitan nito ay mataas. Baka naman maging sanhi lang sila ng pagod at pagkainis para sa mga nakatatanda. Ang kainaman ay hindi sila nangangailangan ng palagiang ligo ngunit hindi pa rin sila rekomendado para sa senior.


4. DALMATIAN. Iilan lamang ang mga Pilipino na nag-aalaga ng ganitong malaking aso. Malalaki ang mga ito na kadalasang maybigat na naglalaro mula 33 hanggang 70 pounds. Pero bukod sa itsura nito at sa sumikat na film animation na inilabas noong araw, hindi cute para sa senior citizen ang mag-alaga nito.

Bukod sa karaniwang katigasan ng ulo, makulit ang mga Dalmatian at may ugaling naninira kapag hindi aktibo. Napakataas din umano ang maintenance level ng mga Dalmatian na orihinal na naggaling sa rehiyon ng Dalmatia sa Croatia.

5. PIT BULL. Kampante ka sapagkat magaling magbigay proteksyon sa amo ngunit ang mga Pit Bull ay hindi rekomendado sa mga lagpas 60 na andedad. Ang breed na ito ay galing sa bulldog at terrier na naging cross breeding noong 1920’s. Trained at bred sila upang maging matapang, agresibo at walang awa sa kalaban. Subalit, negative pa rin ang mga ito para sa mga nakatatanda.

6. BEAGLE. Bansot ang mga beagle. May pagka-matigas ang ulo at umano’y self-centered. Bagamat marunong naman, mahilig kumahol at umungol ang mga Beagle. Mayroon din silang kakaibang amoy at nangangailangan ng mataas na lebel ng maintenance.

7. CHIHUAHUA - Isa sa pinakamaliit na aso, ang Chihuahua ay hindi rekomendado para sa mga nakatatanda. Maingay at kumakahol sa kahit na anong isyu. Bagamat magandang kasama sa loob ng bahay, matakaw sa atensyon ang mga ito. May mga isyu sa sakit sa mata at sa puso ang mga ito.

8. CANE CORSO. Dumarami na rin ang nag-aalaga ng Cane Coros sa Pilipinas na isa sa pinakamalaking aso sa mundo. Malalakas at high energy ang mga ito at maaring itumba ang mga boss na seniors kapag naglalaro angmga ito. May plus naman ang mga ito para sa mga retirado na - mabilis silang maglakad - bagay na maaaring kagiliwan ng mga mahiliig sa brisk walking.

9. LABRADOR RETRIEVER. Isa sa pinakasikat na breed ng aso sa mundo ang Labrador Retriever. Ang mga ito ay nakaka-adapt na sa mga kondisyon sa Pilipinas. Dati silang mga kaagapay ng mga hunters para sa kanilang hobby.

Malaking breed ang Lab at madali silang turuan o i-train dahil masunurin. Bagamat masayahin sila, hindi masyadong kinakatigan ng mga ekperto ang pag-aalaga sa kanila ng mga senior citizens. Ito ay dahil humihingi ng maraming oras at atensyon ang mga Lab at dapat makapag-walking araw-araw. Dahil dito,baka ma-stress lamang aqng mga senior citizens at mapagod sa mga kahilingan ng atensyon ng mga LR.

10. PUG. Isa sa mga breed na dapat iwasan ng nakatatanda. Bagamat maliliit, matakaw sa maintenance ang ganitong breed at matitigas ang ulo. Hindi madaling i-train kung kaya’t baka mainis lamang ang senior citizen sa pag-aalaga sa kanya. Mahirap silang turuan dumumi sa tamang lugar.

Comments (1)

Eve
Feb 17

Hay salamat, hindi kasali ang poodle sa list. 😊

Like
bottom of page