

SENIOR CARE
DSWD pa rin ang 'in charge' sa senior citizens' social pension
%20(18).jpeg)
4/14/25, 9:14 AM
Ni Tracy Cabrera
BATASAN, Lungsod Quezon — Nilinaw ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na ang ahensya pa rin ang mangangasiwa ng senior citizens' social pension habang ang National Commission on Senior Citizens (NCSC) ang siya namang mamamahagi ng mga cash benefit para sa mga octogenarian, nonagenarian and centenarian.
"On the dispensation of social pension, it's still with the DSWD but the NCSC is now in charge of the cash benefits for seniors who are 80, 85, 90, 95 and 100 years old," pinunto ni DSWD Protective Services Bureau director Edmond Monteverde.
Sa ilalim ng Expanded Centenarians Act (Republic Act 11892), bibigyan ang mga senior citizen ng felicutation letter at cash gift na halagang ₱10,000 sa puntong inabot na nila ang mga 'milestone age' na 80, 85, 90 at 95 taong gulang at sa pagsapit ng edad na ₱100,000 mula sa Presidente ng bansa.
Ngayon taon, nabigyan ng pondong alokasyon ang social pension ng halaga ng ₱49.807 milyon para sa ₱1,000 buwang stipend ng 4,085,066 na mga Indigent senior citizen o yaong walang source of income at suporta mula sa kanilang pamilya o kamaganakan.