SENIOR CARE
Ekonomista at RTV host Larry Henares Jr. pumanaw sa edad na 100
12/17/24, 11:03 AM
Pumanaw na ang kilalang ekonomista at beteranong radio-television host na si Dr. Hilarion “Larry” Henares Jr. sa edad na 100.
Ang pagkamatayni Henares ay kinumpirma ng kanyang manugang na si dating Bureau of Internal Revenue Commissioner Kim Jacinto-Henares.
Ayon kay Jacinto-Henares sumakabilang buhay si Larry noong Disyembre 14.
Pinuri niya ang biyenan sa isang Facebook post na nag-anunsyo ng pagpanaw ni Larry.
Si Henares ay ama ni Danby, asawa ni Kim,
Ayon kay Jacinto Henares, si Larry ang nagmungkahi sa kanya na pumasok sa pamahalaan upang pagsilbihan ang bayan.
“Never did I dream that I would be in government, serving our country, if it were not for Papa. I am happy to be able to, in my small way, fulfill Papa’s dream that his children should serve their country after they have a successful career in the private sector,” paliwanag ng dating BIR commissioner na nagsilbi noong panahon ng yumaong Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III.
Samantala, nagbigay pugay din ang National Museum of the Philippines sa yumao nitong dating tagapangulo ng Board of Trustees.
Matatandaang hinirang si Henares sa nasabing posisyon noong 2010 ng dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ngunit umabot lamang sa limang buwan ang kanyang paninilbihan.
Bagamat maigsi lamang ang kanyang inilagi sa NMP, marami naman siyang nagawa, kasama na ang paghirang kay Jeremy Barns bilang direktor ng NMP.
Ang ilan dito ay ang restoration ng National Cultural Trreasure Una Bulaqueña ni Juan Luna; ang pagbubukas ng mga permanenteng exhibitions at iba pa.