![Screenshot_2024-09-08_220233-removebg-preview.png](https://static.wixstatic.com/media/4e7e19_7cc9593734ab49a780b1894edc4ee1b4~mv2.png/v1/fill/w_196,h_76,al_c,q_85,enc_avif,quality_auto/Screenshot_2024-09-08_220233-removebg-preview.png)
![Screenshot_2024-09-08_220244-removebg-preview.png](https://static.wixstatic.com/media/4e7e19_6371ac5588554b038bfd90c6179649cb~mv2.png/v1/fill/w_230,h_65,al_c,q_85,enc_avif,quality_auto/Screenshot_2024-09-08_220244-removebg-preview.png)
SENIOR CARE
Fast food chain sa Antipolo, pinuri dahil sa senior citizen crew.
![](https://static.wixstatic.com/media/4e7e19_66c88a1300e447648b1109aa0543cfb5~mv2.jpg/v1/fill/w_980,h_1307,al_c,q_85,usm_0.66_1.00_0.01,enc_avif,quality_auto/Senior%20citizen%20-%20Jollibee%20-%20SM%20Masinag.jpg)
1/10/24, 11:10 AM
Ni MJ Blancaflor
Umani ng papuri sa social media ang isang fast food chain sa Masinag, Antipolo matapos mag-viral sa social media ang larawan ng isang senior citizen na crew nito.
Sa larawang ibinahagi ni Angelkhym Sto. Domingo sa Facebook, makikita ang isang ale na nakasuot ng uniporme ng Jollibee habang nagse-serve sa mga customer.
"73 years old na daw si nanay crew ng jolibee," sabi ni Sto. Domingo sa caption.
"Ang galing ng jolibee SM masinag. Nag hire ng senior," dagdag pa niya.
Kwento niya sa Senior Times PH, kinunan daw niya ang litrato nitong Sabado, Enero 6, habang namamasyal sa mall. Ipinost niya raw ang larawan sa Facebook dahil na-inspire raw siya sa senior na nagtatrabaho pa.
Tumabo na sa higit 185,000 reactions at 5,200 shares ang post niya.
Sey ng ilang netizen, dapat daw mabigyan ng pagkakataon ang senior citizens na makapagtrabaho hangga't kaya pa ng mga ito.
"Sana all ganyan, walang age limit at height limit. Hanggang kaya mag-work ng tao, hayaan na makapagtrabaho," sabi ng isang commenter.
"Age limit is a form of discrimination," sabi naman ng isa pa.
Patuloy ang pakikipag-ugnayan ng Jollibee Foods Corporation sa mga lokal na pamahalaan upang mabigyan ng trabaho ang seniors at persons with disabilities sa fast food outlets nito tulad ng Jollibee, Greenwich, at Burger King.
Sa Estados Unidos, matagal na rin panahon na maraming Jollibee branches ang nagbibigay ng pagkakataon sa mga nakatatanda upang magtrabaho sa kanila.
Isa na ang Jollibee branch sa San Jose City ang nagbibigay ng pagpapahalaga sa mga seniors.
Dito, hindi lamang isa ang binibigyan ng trabaho bilang customer relation officers. Minsan apat hanggang lima ang mgakikitang senior citizens na nakikipagkaibigan at umaalalay sa mga customers ng Filipino-food chain.
Mga Fil-Am at retirado na ang mga senior citizen employees na ito.