top of page
Screenshot_2024-09-08_193102-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220233-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220244-removebg-preview.png
  • Facebook
  • X
  • Instagram

SENIOR CARE

Gratuity pay ng mga retired barangay officials na senior citizens itataas ng Cebu City

11/6/24, 9:56 AM

Dadagdagan ng Cebu City ang gratuity pay na matatanggap ng mga retiradong opisyales ng barangay na senior citizens na.



Pinagiisipan din ni Mayor Raymond Alvin Garcia na taasan din ang financial aid na tatanggapin mula sa pamahalaang lungsod ng mga konseho ng Sangguniang Barangay.



Ayon sa alkalde ang mga dagdag benepisyo ay ilan lamang sa mga nais isagawa ng kanyang administrasyon bilang pagkilala at suporta sa mga lokal na lider dahil sa kanilang naitulong sa komunidad.



Si Garcia ang may akda ng ordinansa na naglalayong magbigay ng cash benefits para sa ma retiradong opisyales ng barangay.



Ipinasa noong 2021, binigyan ng ordinansa ang siyudad ng awtoridad upang magbigay ng gratuity payments sa mga kapitan ant kagawad na makakasunod sa criteria na nakasaad sa lokal na batas.



Sa probisyon ng ordinansa ang mga punong barangay ay makatatanggap ng PHP5,000 kada taon ng panunungkulan habang ang mga kagawad naman ay tatanggap ng PHP3,000 sa bawat taon ng pagsisilbi.



Ang gratuity pay ay matatanggap ng retiradong opisyal pagsapit ng kanyang ika-60 na kaarawan o kapag siya ay senior citizen na. Ang benepisaryo ay dapat nakatapos ng isang kumpletong termino at hindi napatunayang nagkasala na naging dahilan ng pagkakatanggal sa serbisyol.



Samantala, nangako si Garcia ng pagtaas ng cash aid ng siyudad para sa mga konseho ng SK.


Mula sa kasalukuyang PHP1 milyon, maaaring itaas sa PHP1.5 milyon hanggang PHP2 milyon ang ayuda.

Comments

Compartilhe sua opiniãoSeja o primeiro a escrever um comentário.
bottom of page