

SENIOR CARE
Ikatlong Senior Citizens Center sa Iloilo City ikinatuwa ng libo-libong nakatatandang residente

2/17/25, 5:13 AM
ILOILO CITY - Pormal na binuksan kamakailan ang Senior Citizens Center sa Jaro, Iloilo City para sa mga nakatatandang residente ng siyudad.
Ang bagong gusali sa Alta Tierra Village, BArangay MV Hechanova sa Jaro District ang ikatlong senior citizen center na itinaguyod ng lokal na pamahalaan para sa mga senior citizens.
Inaasahan na ang bagong center ay magsisilbi bilang karagdagang lugar para sa mga iba’t-ibang aktibidad ng mga nakatatandang residente ng lungsod.
Ang mga center din ang tatayong venue para sa mga pagbibigay ng serbisyo sa mgaseniors.
Nai-turnover ng Department of Public Works and Highways ang bagong gusali sa lokal na pamahalaan ng Iloilo City.
Ikinagalak ng mga senior citizens sa Iloilo ang bagong sentro na inalay para sa kanila ng pamahalaan.
Bukod dito mayroon na rin mga itinayong senior center sa Distrito ng Mandurriao ang Arevalo.
“Malaki ang maitutulong ng Iloilo City para may lugar kung saan maka-converge kami, maka-meeting kami, makuha ang mga problema t ideas sa iba’t-ibang distrito,” sinabi ni Danilo Gison, pangulo ng Fedreraiton of Senior Citizens Associations Iloilo City chapter.