

SENIOR CARE
Loan interest, self-employed coverage pabababain ng SSS
.jpeg)
2/17/25, 4:44 AM
Ni Tracy Cabrera
DILIMAN, Lungsod Quezon — Sa pagnanais na mapaigting ang kanilang serbisyo sa mga pensyonado, nakatakdang pababain ng Social Security System (SSS) ang interest rates sa salary at calamity loan program nito at gayun din sa self-employed coverage.
Sa talatang inilabas nito, hinayag ng SSS na inaasahan nilang maipapatupad ang pagbabawas sa loan interest at self-employed coverage ngayong taon upang mapadaling sundin ng mga pensyonado ang mga requirement at iba pang proseso ng beripikasyon na kailangang isumite.
Ayon kay SSS president at chief-executive-officer Robert Joseph De Claro, pinagaaralan na nila ang mga pagbabagong kailangan para maisaayos ang mga guideline ng Annual Confirmation of Pensioners (ACOP) Program.
“Our review of the current guidelines and profile of pensioners include analysis of age and geographical distribution of SSS pensioners, all possible means for ACOP compliance, and available SSS resources to facilitate convenient and easy compliance – including visit to home address by designated SSS branch or office personnel,” ani De Claro.
Sa ilalim ng ACOP, kinakailangang mag-report ang mga SSS pensioner kada taon upang matiyak ang tuluyang pagbabayad ng kanilang buwanang pensyonado, alinsunod sa kanilang eligibility para sa benepusyo at batay na rin sa Republic Act (RA) 11199 o ang Social Security Act of 2018.
Kabilang sa mga pensyonadong dapat sumunod dito ay yaong naninirahan sa Pilipinas na may edad 80 anyos pataas simula Marso 2024, o kaya nama'y nasa ibang bansa, may total disability, namatay o mga survivor pensioner at dependent children na nasa ilalim ng guardianship.
Pinaalalahanan ni De Claro na ang hindi pagsunod sa nasabing mga requirement ay maaaring magresulta sa pagsuspindi o kanselasyon ng benepisyo.
“Given the consistent, solid performance of SSS’ investment portfolio, it is now timely to revisit the interest rate of our salary and calamity loan programs toward reducing it to increase the cash proceeds from loan applications by qualified SSS members,” pinunto ng SSS president.
Sinabi rin nito na makikipagugnayan sila sa Professional Regulation Commission (PR) upang talakayin ang mga oportunidad para sa kooperasyon at matiyak ang SSS coverage ng mga self-employed na manggagawa.
“These plans and programs reiterate our message last month prioritizing service excellence first and foremost while ensuring financial discipline and sustainability through an empowered SSS workforce,” pagtatapos ni De Claro.