top of page
Screenshot_2024-09-08_193102-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220233-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220244-removebg-preview.png
  • Facebook
  • X
  • Instagram

SENIOR CARE

Nominado sa parangal 84-anyos na nurse ng mga seniors na may dementia

10/29/24, 11:06 AM

Sa edad na 84, ang British nurse na si Daisy Richard na ang pinakamatandang nominado para sa Wales Care Award na igagawad sa Cardiff, United Kingdom ngayon linggo.

Ngunit hindi naman ang parangal ang ikinagugulat ng mga hurado ng nasabing award tungkol kay Richard. Ito ay ang pagta-trabaho niya bilang nurse na nag-aalaga ng mga senior citizens na may dementia


Sa nursing home sa Llanfairpwllgwyngyll, si Daisy na ang pinakamatanda sa mga nurses.

Ang kinagugulat ng marami ay ang katotohanang si Daisy ay nag-aalaga ng mga pasyenteng higit na mas bata sa kanya.

Nasa shortlist siya para magkamit ng outstanding service award sa Wales Care Awards.

Ayon sa kanya nag-eenjoy pa rin siya sa pag-tatrabaho bagamat may katandaan na.

Totoo aniya na maraming mga higit na bata sa kanyang mga alaga at ikinatutuwa niya ito.

Paliwanag niya sa haba sa tagal ng panahon, nagkaroon na ng maraming pagbabago sa nursing bilang propesyon. Kasama na rito ang pag-aalaga ng mga senior citizens sa care homes.

Hindi pa pinagreretiro si Daisy dahil sa ipinapakita niyang sipag at husay sa pag-aalaga ng mga pasyenteng may dementia.

Nominado si Daisy ng manager ng care home na si Rebekah Charles.

Hanga si Charles sa pagiging propesyonal ni Richards na hango sa mga beteranong pamamaraan ng pangangalaga.

Mataas daw ang antas ng pagseserbisyo ni Daisy kaya dapat lamang siyang parangalan.

Nagsimula ng karera si Richards sa isang ospital sa Anglesey noong 1972.

Na-promote siya bilang disgtrict nurse sa Angelesey at nagpasyang lumipat sa isang caring facility for the elderly.

Habang ang karamihan sa kanyang edad ay nag-=eenjoy na lamang sa retirement, patuloy pa rin si Daisy sa pagaalaga.

May tatlong 12-oras na shift siya sa pangangalaga ng mga seniors.

Comments

Share Your ThoughtsBe the first to write a comment.
bottom of page